CLEIGH'S P.O.V
Every time na makikita ko sya, nag nining ning sya sa paningin ko. Nakikisama talaga ang tadhana saakin. Akala ko, imposible na mapansin ako ni Sky. Guys, Sky Santos yun no! Tuwing nag sasalita sya, mas lalo akong na iin-love sa kanya. Yung ngiti nya na abot hanggang mata tapos ang bait pa.
Pwede bang akin nalang sya? Eh kaso, hamak na Fan lang naman ako. Assumera.
"Hoy!"
"Ay, Pusa!"
Muntik akong atakihin sa gulat dahil biglang may humampas sa desk ko.
"Ms. Lopez, ano ang tinutunga-nga mo sa oras ng trabaho?"
Heto nanaman itong boss namin na si Sir jim na akala mo palaging may monthly period sa init ng ulo.
"Ah, S-sir kasi."
"Puro ka nanaman dahilan. Nung nakaraang araw, hindi ka na nga bumalik tapos ngayon tutunga-nga ka lang?"
"Ah S-sir ganito po kasi..."
"Hay nako, Ms. Lopez!"
Napapikit nalang ako. Hindi rin naman ako mananalo kung makikipag argumento pa ako sa kanya. Kasalanan ko rin naman kung bakit beastmode nanaman si Sir jim. Pero okay lang. Di naman ako nag sisisi na nahulog yung I.D ko. Parang naging way pa nga yun para mag kita ulit kami ni Sky.
Nung napagod na syang manermon saakin, umalis na rin agad si sir jim. Hindi nya masisira ang araw ko ngayon. Hahahaha
~
7 pm na nang makarating ako sa bahay. Nakita kong naka park yung kotse ni kuya Jv.
Hindi ko alam na uuwi pala sya dito ngayon?
Agad akong pumasok sa loob at naabutan ko si Kuya Jv sa Living room. Agad akong lumapit sa kanya.
"Kuya Jv! Di mo sinabing uuwi ka ngayon? Dapat sinabi mo para naipag luto kita."
Humarap sya saakin. Walang bakas ng kahit anong kasiyahan ang mukha ni kuya. Naglaho bigla ang mga ngiti sa mukha ko. Ngayon ko lang nakita ang ekspresyon nya na ganun. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali.
"K-kuya?"
"Cleigh.. Matagal mo na bang alam?"
Wait. Anong matagal ko ng alam? Naguguluhan ako.
Umupo ako sa tabi ni kuya.
"Anong matagal ko ng alam? Hindi kita maintindihan."
"Mag hihiwalay na si mama at papa. Bakit hindi mo sinabi sakin?"
Natulala ako. Pakiramdam ko parang may malamig na hangin na umihip saakin.
"K-kuya. Kung isa nanaman to sa mga prank mo. Please, hindi nakakatuwa."
"Mukha ba akong nagbibiro, Cleigh?!"
Ngayon lang ako pinag taasan ng boses ng ganito ni kuya Jv. Sa dalawa kong kuya, sya talaga ang pinaka close ko.
"Hindi ko alam. Wala akong alam. Okay naman sila ni mama at papa diba?"
"Okay ba to'? Cleigh, maghihiwalay sila. Sinabi saakin lahat ni Tita beth. Bakit mo tinago sa akin?"
Di ko namalayan na tuloy-tuloy na ang pag bagsak ng luha sa mata ko.
"Kuya, believe me. Hindi ko to' alam. Wala akong idea na mag hihiwalay na pala sila."
"I don't know, Cleigh."
Tumingin si kuya saakin at napansin kong umiiyak na rin sya.
Tuluyan na syang lumabas at umalis. Naiwan ako sa living room na tulala. Pakiramdam ko, nakapako ang paa ko sa sahig.
YOU ARE READING
She's Mine
FanfictionShe's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo malalaman na ikaw ang para sa kanya at para sya sayo? Pero paano kung ang sinasabing tadhana mo ay ang artistang kinaiinisan mo? Sundan ang i...