CLEIGH'S P.O.V
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pumunta ako sa Bar na to'. Ayoko rin naman mag stay sa bahay dahil mas lalo kong daramdamin yung nangyari. Sa totoo lang, parang hindi nag si-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni kuya Jv. Sinabi ko na lang kila lolo at lola na pupunta lang ako kila Macky. Ayoko na rin kasi silang mag-alala.
Pero sa lahat yata ng pinuntahan ko nagkaka problema. Una, nakita ko sa daan yung Mondemonyo na yun. Pangalawa, Itong walangyang manyakis na to'.
Pagtapos kong pilipitin ang braso nya, naglakad na ako palabas ng Bar. Di manlang ako nalasing. Hays!
May narinig akong nag Slow clap sa likod ko na pailing-iling pa. Pag harap ko, nakita ko nanaman ang naka ngisi pang mukha ni Brix. Ibang klase rin ang lalaking to'. Consistent pag dating sa pang aasar.
Pinanliitan ko sya ng mata.
"Oh bakit? Babaliin mo rin ba ang braso ko?"
"Malapit na."
So, nakita nya pala yung nangyari?
Humakbang na ako palayo.
"San ka pupunta? 1:00 AM na. Wala ka ng masasakyan dyan."
"Edi mag lalakad ako pauwi."
Lumapit sya sa kinatatayuan ko. Pero, teka. Sobrang lapit nya sakin. Nakakailang.
"Talaga ba?"
Tinitigan nya ako sa mata. Amoy ko na rin ang mabango nyang hininga. Waaaaaaah. Kalma!
Bigla kong naramdaman na kumulo ang tyan ko. Aish! Oo nga pala, hindi ako nag dinner kanina.
Tumawa sya ng mahina.
"Nag rereklamo na yung Anaconda mo sa tyan. Pakainin mo na daw sya. Hahaha"
"H-hindi ah."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Grabe naman. Di manlang makisama yung tyan ko.
Humakbang na ulit ako palayo. Pero bigla syang sumigaw.
"May alam akong masarap na bulalo-han."
Humarap ako sa kanya na hawak ang tyan ko.
"Hahahaha. Come on, Cleigh. Bawal tumanggi sa grasya."
Iniisip ko palang yung amoy ng bulalo. Yung pag higop ng sabaw..
Nooooo. Gusto kong tumanggi pero hindi na kayang mag panggap ng tyan ko. Ang tyan kong traydor.
"M-masarap ba talaga dun?"
Ngumiti sya saakin.
"Yes."
~
Tumingin ako sa paligid. Isang normal na bulalo-han. Sa totoo lang, hindi ko ini-expect na kumakain din pala sa ganito si Brix. Kung titignan mo kasi sa itsura at ugali nya, mukhang matapobre eh. Hahaha
Ay, Shems! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
"Bakit?"
Umiling lang ako bilang sagot. Sakto naman na dumating yung inorder namin. Hay salamat!
Ang bango. Naaamoy ko palang, ang sarap na. Naramdaman ko na kumulo nanaman ang tyan ko.
Oo na, tyan. Lalagyan na kita ng laman. Kumalma ka lang.
"Ang saraaaaaaap."
"Masarap talaga bulalo nila dito. Da'best!" - naka ngiti nyang sabi.
"In fairness... Pag dating sa pagkain, Okay ka."
YOU ARE READING
She's Mine
FanfictionShe's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo malalaman na ikaw ang para sa kanya at para sya sayo? Pero paano kung ang sinasabing tadhana mo ay ang artistang kinaiinisan mo? Sundan ang i...