Chapter two

209 4 0
                                    


BRIX'S P.O.V

Medyo maaga akong dumating sa set kahit malayo yung location sa Condo ko. Ilang oras nga lang ang tulog ko kakaisip dun sa babaeng nakasabay ko sa elevator kagabi. Marami akong bashers at Mas masasakit pa dun sa mga sinabi nya ang nababasa ko sa comment section ng Instagram at iba pang social media account ko everyday pero, bakit yung mga sinabi lang nya ang nag replay sa utak ko. Psh. That girl!

"Brix!"

Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.

"Shantal!"

Oo nga pala. Isa rin si Shantal sa makaka trabaho ko dito sa pelikulang ito. I miss this girl.

"How are you?! Oh my Gosh, habang tumatagal lalo kang pa gwapo ng pa gwapo." Pabola nyang salubong sa akin.

"Naku, Shan. Alam na ng lahat yan! Haha."

That smile...

"Di ka parin nag babago. Mayabang ka pa rin. Haha!" Pa-iling nyang sagot

Napakamot nalang ako sa tenga at ngumiti.

"Buti naisipan mong bumalik ng Showbiz?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Na Realize ko kasi na buhay ko na ang pag-arte. Tumigil lang naman ako sa pag-arte ng dalawang taon dahil..."

Tumingin sya sakin at ngumiti na parang sinasabi nya na alam ko na ang ibig nyang sabihin.

Umiling na lang ako at ngumiti.

"Hayyy, Shan. Dalawang taon din kitang hindi nakita. Kahit pa madalas tayong mag usap sa telepeno, iba parin pag nandito ka."

Ngumiti lang ako sa kanya at ngumiti rin sya pabalik sa akin.

Biglang bumaling ang tingin nya sa isang lalaking parating.

Si Sky..

Nagkatinginan sila ni Shantal at bakas sa muka ni Sky ang pagkagulat.

"H-hi, Sky!"

Ngumiti lang si Sky at dumiretso sa tent nya.

Tukmol na to!

Di manlang kamustahin si Shantal. Gigil mu si acu, Sky!

Sabagay... Sa parteng to maiintindihan ko sya at hindi ko gugulpihin sa utak ko ngayon.

***


SKY'S P.O.V

Akala ko okay na ko.
Akala ko kung makikita ko man sya ngayon kakayanin ko na syang kausapin ng hindi umiiyak sa harapan nya.

dalawang taon na ang nakakalipas noong nakita ko sila ng stepbrother kong si Bryan sa iisang kwarto at walang saplot. Plano ko pa naman syang sorpresahin dahil hindi nya alam na noong mismong araw ng 3rd Anniversary namin ang uwi ko galing Korea. Hindi ko akalaing ako pala ang masosorpresa.

Pinilit nyang mag explain saakin pero tuwing nagsasalita sya, wala akong marinig at maintindihan kundi ang galit ko lamang. Ang masaklap pa, pinalabas ng manager nya sa publiko na ako ang nagloko at hindi sya para hindi masira ang image ni Shantal. Ilang linggo matapos yun, nabalitaan ko nalang na nasa Amerika na sya.

Iniwan nya kong misirable.
Iniwan nya kong durog.
Iniwan nya ko.
Iniwan nya.
Iniwan.

Nagulat nalang ako ng makita kong andito na pala sya. Magkausap na sila ni Brix.

She's MineWhere stories live. Discover now