CLEIGH'S P.O.VIm gonna swing from the Chandelierrrr..
From the Chandelierrr..Kung pa iisahin ko pang kanta itong si Macky, baka basag na eardrums ko. Kaya buo na ang desisyon kong itigil ang pagtugtog ko ng Piano dahil halos lahat ng itugtog ko alam nya at paniguradong kakantahin nya.
"Tama na, Macky! Parang awa mo na." Pag papatigil ko sa kanya.
"Ay.. Momshie ang KJ! Ngayon palang ako ginaganahan oh." Pagmamaktol nya.
Napailing nalang ako sa inakto ng kaibigan ko.
Nakatambay nanaman kasi dito sa bahay itong si Macky. Maaga daw syang umuwi dahil wala ako. Nag leave kasi ako ngayon sa trabaho dahil may sakit si Lola. Gusto ko rin kasi na ako na mismo ang mag alaga sa kanya.
"Anyway highway.. So si Sky santos talaga yung kasama mo kanina sa Mall?"
"Hindi naman totally na kasama. Mag isa lang kasi sya kanina sa Mall, eh pinag kaguluhan ang Oppa ko. Kaya niligtas ko lang."
"Feeling mo ikaw na si Wonder woman nyan?"
"Gaga, Hindi! Hahaha." Napatawa naman ako sa tanong ni Macky.
"Tinanong nya pangalan mo?"
"Oo. Pero di ko sinabi yung pangalan ko. Niyaya pa nga nya kong sumabay sa kanya pero tinangihan ko"
Binato naman nya ako ng unan sa inis.
"Bobita! Pagkakataon mo na yun eh. Di mo pa tinodo! Nakakaloka ka!" Napahawak nalang sya sa noo nya.
"Ayoko naman isipin nya na nang aabuso na ko. Hahaha Tsaka nalang. Malay mo magkita pa ulit kami. Diba?"
Sana nga magkita pa ulit kami....
"Ewan ko sayong impakta ka. Sige na gogorabells na akes. Paki abot nga nung purple kong shoulder bag!"
Iniabot ko naman sakanya ang bag nya na may ribbon pa. Hahaha.
"Thanks, Momshie. Pakisabi kay Granny mag pagaling sya. Bye!"
"Sige na. Ingat!"
***
BRIX'S P.O.V
Ilang Minuto narin akong nakatitig sa contact number na nilagay nung babaeng yun sa cellphone ko. So Cleigh pala ang pangalan nya. Di bagay sa itsura. Pinag iisipan ko parin kung itetext ko na ba sya para maayos na yung sasakyan ko. Kahit gasgas lang yun , di ko pwedeng palampasin yung babae na yon. Masyado na syang maraming atraso.To: Cleigh Lopez
Tomorrow. 1pm at Crafts Cafe. Bawal ma-late.
-the handsome, Brix montecarloSinend ko na agad sa kanya yung message ko.
Wala pang 5 minutes nag reply na agad sya.
From: Cleigh Lopez
YOU ARE READING
She's Mine
FanfictionShe's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo malalaman na ikaw ang para sa kanya at para sya sayo? Pero paano kung ang sinasabing tadhana mo ay ang artistang kinaiinisan mo? Sundan ang i...