Mahal kita,
isang salita ang nagpahulog sa loob nating dalawa
isang salita ang nagpaniwala sa ating dalawa na tayo'y iisa
isang salita ang nagpabago sa mundo nating dalawa
isang salita ang nagbigay inspirasyon saating buhayMahal kita,
sapat ba ang mga salitang ito para hindi masaktan ang mga damdamin nating dalawa?
sapat ba ang mga salitang ito para gumaling ang ating pusong sugatan?
sapat ba ang mga salitang ito para hindi tumulo ang mga luha sa ating mga mata?Mahal kita,
masarap pakinggan na tila' nagbibigay musika sa ating mga tenga..
ngunit ang salita bang ito ay mananatiling musika na nagbibigay saya sa ating dalawa?
mahal kita, pero kapag tayo'y napagod na matatapos tayo sa salitang ayoko na...
BINABASA MO ANG
A Spoken Poetry: Para sa mga brokenhearted
PoetryA Spoken poetry: Para sa mga brokenhearted. Date started: June 2017 Date finished: October 2017