9: pangako

2.1K 9 0
                                    


mga pangakong binitawan,
binitawan na pinanghawakan ko,
mga pangakong sayo mismo nang galing,
na ikaw at ako ang siyang magmamahalin kailanman,
na ikaw at ako ang merong tayong dalawa lang

pangako, ikaw lang ang mamahalin
pangako, nandito lang ako sayong piling
pangako, kailan man hindi kita iiwan
pangako, ikaw lang ang merong ako

mga pangakong nagpaniwala saakin,
mga pangakong nagpatibay saaking damdamin,
mga pangakong hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin

pero bakit,
bakit ang mga pangakong ito ay unti unti nang naglaho?
totoo nga ba ang pangako ay isang kalokohan?
totoo bang ang mga pangako ay isang kasinungalingan?

kung totoo unti unti na akong naniniwala
naniniwalang sa lahat ng sinabi mo ay puro kasinungalingan,
sa lahat ng ipinakita mo ay puro kalokohan,

mga pangako,
sa isang tao nanggaling,
sa taong mahal na mahal ko,
mga pangakong tila' na pako sa mga binitawan mong salita.

A Spoken Poetry: Para sa mga brokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon