7: eto na naman

2.3K 13 1
                                    


Eto na naman ako nagmamahal
Nagmamahal sa taong alam kong hindi ako magugustuhan
Magugustuhan na kagaya ng pagkagusto ko sakanya
Sakanya na isang ordinaryong babae lamang sa paningin niya
Satingin ko mauulit na naman
Mauulit ang nakaraang ayoko nang balikan

Gaanon siguro talaga hindi ko inaasahan ang mga mangyayari
Mangyayari sa buhay ko
Sa buhay kong tahimik noon
Pero ngayon ginulo ng isang tao
Isang taong nagpahulog na naman sa matagal nang nananahimik na damdamin ko

Eto na naman ako inaabangan ang bawat detalye ng buhay mo
Detalye na dapat kong abangan
Abangan sa bawat oras
Oras na dapat palagi akong handa
Handa sa mga bubungad sa aking mga mata
Mata na nakikita ang mga katotohanan
Katotohanang hindi ko na dapat inaalam

Kasi alam ko bandang dulo ako lang ang masasaktan
Masasaktan sa mga mangyayari
Mangyayari na inaasahan ko
Inaasahan ko na hindi ako yung babaeng mamahalin mo.

A Spoken Poetry: Para sa mga brokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon