❝Kailan kaya muling matatamasa?
Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan?
Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala.❞Magsimula tayo sa umpisa
sa umpisa kung paano tayo nagkakilala
nagkakilala nang may ngiti at masayang alala
alaalang hindi ko kayang ibaon sa limot
sa limot na alam kong matagal mo na kong binaonMasakit, oo masakit kasi bakit sa rami ng tao sayo ko pa to naramdaman?
Masakit, oo masakit kasi bakit hanggang ngayon bitbit ko pa rin? Na sa tagal ng panahon ikaw pa rin ang hanap hanap
Masakit, oo masakit kasi alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na kayang ibalik yung nakaraang kasama ka.Mahal, alam mo ayokong gawin yung ginawa mo
yung ginawa mong kalimutan ako at ipagpalit sa iba
kasi kahit sobrang sakit na, ayoko pa rin kalimutan yung mga panahong kasama kita at gumagawa tayo ng maraming masasayang alala.Kailan kaya natin maibabalik yung dating saya na meron tayo?
kailan kaya magiging totoo ang alaalang gustong gusto ko nang maranasan?
kailan kaya matatapos ang sakit at lungkot?
kailan kaya magiging masaya kasama ka at bumubuo ng masasayang alaala?Kaya ko pa,
kaya ko pang umiyak gabi gabi maalala ko lang yung mga panahong alam kong mahal mo ko,
kaya ko pang magmukmok mag-isa at isiping babalik ka pa,
oo kaya ko pang maghintay na babalik ka at sasabihing “mahal pa rin kita”
kaya ko pang magpakatanga kasi mahal na mahal pa rin kita.
BINABASA MO ANG
A Spoken Poetry: Para sa mga brokenhearted
PoésieA Spoken poetry: Para sa mga brokenhearted. Date started: June 2017 Date finished: October 2017