sa pagtalikod mo mga luha ko'y nag uunahang bumagsak,
bumagsak sa mga mata kong dati lang ngiti ang kumukurba,
ngiti na ikaw ang nagsisilbing dahilan,
dahilan kung bakit ako masayamga luha na nagsisimbulong pagod na,
pagod na sa sakit na nadarama,
nadarama nang pusong sinaktan,
sinaktan sa paulit ulit na dahilankailan matatapos ang pagluha?
pagluha sa paulit ulit na dahilan
dahilan na nakakapagod nang pakinggan,
pakinggan na pipiliin mo na lang mawala sa mundo dahil sa sakit na nadarama,mga luhang hindi napapagod sa kakaagos,
kakaagos na akala mo'y alon,
alon sa sobrang lakas ng hikbi
hikbing puno nang lungkot at sakit
BINABASA MO ANG
A Spoken Poetry: Para sa mga brokenhearted
PoesiaA Spoken poetry: Para sa mga brokenhearted. Date started: June 2017 Date finished: October 2017