Una
"Iha, may sakit ka" sabi sa akin ng doktor ko
"Po? Ano po? " tanong ko
First Year lamang ako non, tuwang tuwa ako sa dahil nakapasok ako sa magandang eskwelahan at tuwang tuwa ako dahil nakagraduate na ako sa elementarya.
Pero mapapawi rin pala lahat ng tuwa ko noon.
"Myxomas. Wag kang mag-alala dahil noncancerous ang mga ito." sabi pa ng doktor sa akin ngunit kahit ganun ay hindi parin nawala ang pangamba sa akin..
First year Highschool ng makilala kita pero hindi mo agad ako napansin kasi may sikat tayong kaklase non.
Kung ano anong papampam na ang ginawa ko mapansin mo lang pero wala.
Sumali pa ako sa theater club para sayo.
Kumanta, sumayaw. Tinry ko.
Pero bakit parang wala namang nangyayari?
Ang Swerte ni Louz sikat na maganda, matalino at talentado pa. :(
Sana meron din ako niyan no?
Natuon sayo ang pansin ko.
Umabot pa ako sa puntong kakalabanin na si Louz.
Pero naalala ko, Ano ba siya at ano ako?
2nd year highschool
laking pasasalamat ko at kaklase ulit kita.
tuwang tuwa ako non dahil wala sa section natin si Louz.
nag birthday siya at binigyan mo siya ng teddy bear.
nasaktan ako nun, kasi magkahiwalay na nga kayo ng section siya parin ang gusto mo, gayung nandito naman ako.
Pero kasalanan ko rin dahil hindi ko sinabi sayo ang nararamdaman ko pero bakit ko naman sasabihin? ano namang pake mo diba?
Second year tayo ng maging close tayo.
Masaya na ako sa pangyayari sa buhay ko at kuntento na ako na ka-close ka pero.
"Ano sa tingin mo ang pwede kong gawin sa valentines day?" tinanong mo ako niyan.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hindi basta bastang pagtibok, masakit ang resulta nito sa akin.
ngumiti nalang ako sayo "Kahit ano naman siguro'y maappreciate niya." sabi ko sayo.
"T-Teka, bakit namumutla ka?!" pagaalala mo sa akin
"Wala to, anemic lang." tanging sinabi ko sayo.
Ayokong may makaalam ng kahit ano tungkol sa akin.
Di nagtagal at nag valentines na, Ang ganda ng ginawa mo para sa kanya.
Ang laki ng effort na binigay mo.
Masakit. Sobra.
ang makita kang gawin ang bagay na sinuggest ko sa ibang babae.
Ang makita na gawin mo sa kanya yung mga bagay na inisip kong gusto kong mangyare sa akin.
Masakit.
BINABASA MO ANG
10 Reasons (Diary)
Teen Fiction"Should I live and fight for my life, Or give up and accept the things that no matter what, I'm still going to die."