EXTRA CHAPTER

200 11 3
                                    

EXTRA CHAPTER

Isa isa silang nag alay ng bulaklak para sa pinakamamahal nilang anghel.

Ang mga magulang niya na umiiyak na maski ang tatay niya ay hindi mapigilan ang sariling luha sa pagtulo.

Ang ina niya na halos mahimatay na sa kaiiyak. Ilang gabi rin silang hindi natutulog dahil hindi sila makapaniwala sa pagkamatay ng anghel nila.

Na parang nung isang araw lamang ay nakikipagkulitan pa ito, at nakikipag biruan na parang nung isang araw lamang ay Masaya pa ito at masigla. At kinabukasan babawian rin ng buhay.

Mapagbiro ang tadhana para sa pamilya nila.

Ang Kuya niya. Ang kaisa isa niyang kuya na, hindi malaman kung saan isasantabi ang nararamdaman dahil sabay sabay ang sakit na nadarama nasasaktan siya na Makita ang mga magulang niya na nasasaktan at naghihinagpis.

At mas nasasaktan siya dahil nawala na ang pinakamamahal niyang bunso. Na tinuruan niya kung paano tumayo sa sariling mga paa at inihanda sa pagharap sa magmalaking mundo.

Nasasaktan siya at bitbit ang gitara ay tinugtugan nila ito.

Napaka nonsense pa para tugtugan ang taong nahihimlay at namayapa na. Pero eto ang sa tingin nilang makakapagpagaan ng loob niya.

Tinugtugan niya ito ng ‘Your Guardian Angel’ naalala niya ang ngiti ng kapatid at bungisngis nito. Ang pakikipagasaran sa kanya at ang pag iyak nito kada mapipikon.

“Kung nasaan ka man, Sana’y Masaya ka na. Mahal na mahaaaaaal ka ni Kuya, wag mong kakalimutan yun ha? P-Paalam bunso. I love you.. B-Bunso.. I miss you… B-Bunso.”

Tilay hindi siya sanay ng wala nang aasarin at tatawaging bunso.

Wala nang ngingiti sa kanya pag tinatawag niyang bunso.

Ang kaisa isahang bunso sa kanya.

Sumunod ang bestfriend niya na kinantahan pa siya ng theme song nila na ‘Beautiful’ na isa ring paborito ni Angell.

“Bessy. Girl, paano na? wala na akong bestfrien—d.” napatigil sandal si Jeza ng pumiyok ito at nagsimula nang umiyak tinakpan ang mukha gamit ang palad na may tissue.

“Ang sabi mo walang iwanan, Nagpromise ka pa diba? Paano na ako? Sabi ko sayo ayoko ng bessy na multo at takot ako sa multo.. Mamimiss kita ay mali. Miss na miss na kita. Ingat ka diyan ha? Mahal na mahal kita Bessy. Kung alam mo lang. ha-ha-ha.” Pumiyok itong muli at inilayo na sa kanya ang mic senyales na hindi niya na kayang mag bigay ng kahit anong salita dahil parang dinudurog ang puso niya.

Halos lahat naman sa libing na iyon ay halos madurog na ang puso sa nakikita pa lamang nila.

Pero mas doble ang sakit na nararamdaman ng mga taong nag mamahal kay Angell

At triple naman ang sa kuya nito.

Sumunod naman na nag bigay ng huling mensahe ay ang mahal ni Angell.

Si Howard.

“Angell..” napayuko si howard at tinignan ang paanan niya na tila gustong magtago sa kahihiyan at pagsisisi. “I-I’m sorry. Mahal kita. Pero kagaya nga noon, May humigit.” Tila natatakot siyang sabihin iyon dahil nandoon ang kuya ni Angell Pero hinayaan siya ng mga tao doon marahil na rin siguro ay nararamdaman nila ang hirap na pinagdadaanan ni Howard.

“Naalala ko yung araw na sinabi mo nalang bigla sa akin na. I palalayain mo ako. Nasaktan ako, syempre pero hindi ko alam na eto pala yung pag papalaya na gagawin mo, akala ko ba magpapagaling ka? Hindi ba’t gusto mo pang alagaan ang anak ni Louz?” natawa ng mapait si Howard. “Pinalaya mo nga ako pero ikinulong mo ako sa memorya nating dalawa. Maraming salamat sa masayang ala-ala.. Hanggang sa muli Angell.” Sabi ni Howard inilagay ang bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Angell.

Nagtatangis ang ilang rinig ang iyakan at hinagpisan.

Kung pagmamasdan mo ang buong pamilya nila hindi parin sila makapaniwala na sa ganoong edad mawawala ang isang anghel sa buhay nila.

Kahit sa sandaling panahon ay nasaad ni Angell ang mga pangyayari sa sandali niyang buhay, kahit sa piraso lamang ng papel ay naipahayag niya ang kanyang damdamin.

Lumapit ang guro kay Howard at iniabot ang isang notebook.

“Siguro’y dapat mo na itong itago.” Sabi ng guro kay Howard.

Pero umiling ito iniabot ito sa kuya ni Angell.

“I’m sorry kuya. Sorry po talaga.”

Kinuha ng kuya ni Angell ang notebook at naiiyak nalang siya kada Makita ang sulat ng kapatid na papangit at pagulo ng pagulo na tila hanggang sa huling letra ay ipinilit niya nalang isulat.

Tumingin siya sa kalangitan at pinakawalan ang lobo.

“Paalam bunso. Mahal na mahal ka ni Kuya, huwag mo sanang kakalimutan.” Ang huling sabi nito sa kanyang isip kasabay ng pagtulo ng luha sa mata nito.

10 Reasons (Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon