Pang-siyam

137 6 0
                                    

Pang-siyam

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa ‘The Last Song’ na libro.

Babasahin ko ba o hindi? Dapat kasi ay sabay natin itong matatapos.

Nag ring ang cellphone ko at dali dali ko itong sinagot.

Magkahalong disappointment at saya ang naramdaman ko.

Masaya kasi si Jeza ang tumawag at disappointed dahil ikaw ang inaasahan ko.

Hahaha, oo nga pala don’t expect too much.

Sinagot ko iyon ng buong sigla pero palpak pala.

“Oh? Hindi ka parin dinadalaw?” tanong sa akin ni Jeza

Tumango ako as if makikita niya ako

“hmm.” Pag-oo ko.

“ano naman kayang ginagawa ng lalakeng yon-------omygosh! Bessy, Girl, Bebs, Babe, Wait lang ha? Tawagan nalang kita mamaya, or bukas, ah basta tatawagan kita. Bye. Loveyou!”

“Loveyou-----“ pero naputol ang linya.

Nang ibabalik ko na ang cellphone ko ay hindi sinasadyang nasagi ko ang baso.

Nagulat ako at natakot.

Diba may masamang meaning yon?

Naisip tuloy kita.

Tinext kita at tinanong ko kung nasaan ka pero 30 minutes. Hanggang 2 hours ang hinintay ko hindi ka nagrereply.

At bigla bigla ka nalang papasok sa loob ng kwarto ko at luluhod sa gilid ko.

Tears were in your cheeks, your right cheek was red.

I tried to touch it but you refuse to.

My tear suddenly fell

“I’m Sorry.” Ang sabi mo sa akin.

Sa dalawang salita… dalawang salita lamang ay sapat na para maubusan ako ng hangin.

“Do you.. Do you still love her?” Tanong ko, ay medyo tanga rin ako nun no? Hahaha, Kelan ba nawala ang ‘True Love’? ang alam ko kasi pag nagmahal ka hanggang dulo na yan, yun nga lang pwedeng may makahigit.

Tumango ka sa akin at muling nag sorry.

Pumatak ang luha ko.

“Then go.” Sabi ko sayo.

‘Let go’ ang tanging nasa isip ko.

“No.” sabi mo.

Ipaglalaban mo ako? O nag-no ka lang dahil kinakaawaan mo ako?

“I want you to be happy and I’m letting you go.” Sabi ko sayo.

Umiling ka at sinabing

“She’s pregnant.”

Nanginginig ang mga kamay kong itinakip sa bibig ko yon.

“I’m sorry dahil hindi kita mabantayan, Unconscious yung bata, at pwedeng madamay ang buhay niya. I don’t want her to die.”

Pinunasan ko ang luha ko.

“Magpapagaling ako.” Nakangiti kong sabi sayo “At pag magaling na ako, Malaya ka na. pag gumaling na ako.. Sakanya ka na. Pero.. Hayaan mo muna akong gumaling” kumbaga magpaparaya parin ako sa bandang huli kahit nagpapaka selfish ako ngayon. Ganun parin naman yun eh. Ha-ha-ha.

Tumitig ka lang sa akin non.

“Just help me.” Sabi ko sayo.

Niyakap mo ako at nangakong tatapusin natin ang The Last Song. Ang isa sa mga paborito kong libro.

Kinabukasan ay nagpa-chemo therapy ako.

Meron akong cycle dahil lumalala daw ang cancer ko. At tanging pamilya ko lang ang nakakaalam nun.

Bakit? Ayoko kasing mangamba ka. Okay lang sa akin na katabi kita pero sa kanya ka nakatuon.

Okay lang.

Okay lang talaga.

Matapos ang Session ko

Pina-stay parin nila ako sa Ospital dahil sabi ng doctor baba-ba ang white blood cells ko at magiging madali ang pagkaka infect ko, para na rin iwas stress at polusyon

Pero namimiss ko na ang araw.

Namimiss ko na ang tao sa paligid ko.

Dinadalaw dalaw parin naman ako ng mga kaklase natin at k-kwentuhan ng mga nangyare. Pero kaunti lang ang pwede sa silid ko at lahat sila balot na balot

At may isa pang nadulas na ang sweet niyo daw at parang kayo nanaman ni Louz.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya, dahil alam kong hindi niya yon sinasadya

Pero deep inside iniisip ko na ‘Pwedeng ako naman?’ Pero. Okay lang talaga. Promise.

Basta ba hindi ka aalis sa tabi ko.

Okay lang.

Binantayan ako ng kuya ko ng isang buong gabi. At ramdam ko ang pagkakaroon ng sakit ko dahil sa mga sinusuot ng mga taong papasok sa silid ko.

Kinwentuhan na may nililigawan na daw siya at dadalhin niya ditto.

Maganda kaya yon? Sa tingin mo? Mabait kaya? Matalino? Kayang alagaan ang Kuya ko? Kayang alagaan ni Kuya?

Ngumiti ako kay kuya, habang nagkukwento siya at dinedescribe ang babaeng mahal niya.

“Gusto kitang makitang ikasal kuya.” Sabi ko kuya at natigilan siya sa pag kukwento tila iniiip kung anong sasabihin sa akin

Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa glow in the dark stars na inilagay ni kuya “Gusto kong makapag suot ng bridesmaid’s dress sa kasal mo.”

Pinat niya ako sa ulo.

“You will.” Sabi sa akin ni kuya

“bakit kuya? Magpapakasal ka na ba?” tanong ko

“Hindi. Hindi pa dahil gagaling ka muna.”

Inayos niya ang hihigaan ko at tinakluban ako ng kumot

He kissed my forehead goodnight.

“Goodnight kuya. I love you.”

“Goodnight bunso. Mahal ka rin ni kuya.. Mahal na mahal.”

Lumabas na si kuya sa kwarto dahil hindi na siya pwedeng mag-stay at baka ma infect ako.

At sa pagpikit ko.

I saw you. I saw you crying.

I saw you begging.

I saw you hurt.

And I didn’t like that.

I have to live. For you to be free. My 9th reason.

At ikaw nanaman ang rason ko.

10 Reasons (Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon