Pang-lima

201 9 2
                                    

Panglima

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong mo sa akin

natuwa ako ikaw ba naman batiin ng taong mahal mo at nag alala pa saken. hahaha.

naglabas ka non bigla ng prutas at ibinigay sa akin "Healthy foods ang kelangan mong kainin." nakangiting sabi mo sa akin.

kinilig ako non dahil feeling ko alagang tunay ang turing mo sa akin

Busy ang lahat.

Gumagawa ng events, nagpaplano ng booths at naglalandian pa yung iba yung iba naman chismisan lang at tayong dalawa? Nag babasa ng iisang libro.

Yung The Last Song

Nasa kalagitnaan na ako ng kwento ng sinabi mong

"Pwede ulitin mo ulit ?Gusto ko rin siyang mabasa eh. Hehehe, yung sabay tayo." at hindi ko matanggihan ang matamis mong ngiti.

So eto tayo ngayon nasa likod kita at hawak ko ang libro sa harap natin.

"Ang ganda ng pangalan niya no? Ronnie." Sabi mo sa akin.

Actually astig na astig ako sa pangalan niyang yon, Akalain mong ang isang pambabaeng pangalan na Veronica ay pwede palang maging Boyish? Ronnie, Nice name.

napangiti ako kung ako man ay magkakaanak gagawin kong Ronnie ang Name nito Veronica at Ronnie for short.

"Guys! Mag Marriage Booth na daw yung kabila eh!" sabi ng president natin.

"Awwww. Ano ba yan."

"sayang naman!"

"Hindi ko mapapahila si ano!"

"Eh ano na yung booth natin niyan?" tanong ng mga kaklase namin sa presidente.

"Winter? Horror? Photobooth?" tanong nito

"Horror? Masyado nang kota yan baka meron naring nag horror booth, Photobooth? Manawa ka sa selfies nila sa mga cellphones nila, Winter? Bakit hindi!" sabi nung isang babae

Oo nga naman minsan lang magkaroon ng ganoong booth Winter, Napaka ganda.

napangiti ako bago ako mamatay gusto kong ma experience ang snow.

"Kain na tayo?" ayaw mo sa akin

tumango ako at sumama sayo.

pumunta tayong canteen at pinag order mo pa ako kahit hirap na hirap kang dalhin yung dalawang tray isa sayo at isa sa akin

at nang makita ko ang ulam, puro gulay. Hahaha, pati sayo gulay

"Magpapaka vegetarian ako para magkaroon ng abs!" nakangiti mong sabi sa akin na ikinatawa ko.

narinig ko pa ang mga taong nag bubulungan at sinasabing "Diba ex ni Louz yon?" 

"Oo nga, sino yung girl?"

"Ewan. Ang gwapo ng ex ni Louz!" 

gusto kong sabihin sa kanila na ang swerte ko at ako ang kasama at ka-close mo ako ang inaaruga at binabantayan mo, ako ang hinahatid sundo mo.

gusto kong sabihin na ako ang pinakamasayang tao na nabubuhay ngayon. Hahaha.

nakakatuwa ka kasi, nakakahawa ang mga ngiti mo.

Salamat sayo at binubuhay mo ang puso ko.

Salamat sayo.

pag uwi ko nang bahay at matapos mo akong hinatid sinabi mong susunduin mo muli ako bukas at um-oo ako.

pagpasok ko sa loob ng bahay nakaabang sa akin ang mga magulang ko maski ang Kuya ko.

"Sino siya?" tanong nila sa akin at sabay sabay pa! Amazing isn't it?

napangiti ako sa kanila

"Nag boboypren ka na di mo manlang ipakilala." sabi ni Kuya Robby

"Hmp. *pout* dahil ang sabi mo gugulpihin mo." sabi ko sa kanya at tumawa

Natawa nalang kaming dalawa.

"Halika nga dito bunso!" at niyakap ako ni kuya maykakaiba sa yakap niya araw araw kada dadating ako niyayakap niya ako.

Araw araw kada gigising at aalis ako niyayakap ako ng kuya ko.

sina Mama naman at Papa hinahalikan ako sa noo

pero doble ang ginagawa ni Kuya Yakap at hinahalikan niya ako sa noo.

umakyat ako sa taas at nakita ko yung gitara

naalala ko tuloy noong nagpapaturo ako sa kuya ko at ayaw niya akong turuan. Umiyak pa ako non pero hindi niya talaga ako tinuruan at hanggang ngayon hindi parin ako marunong.

may kumatok sa kwarto ko at pinapasok ko naman

Si Kuya.

tumabi siya sa akin at na-upo sa kama.

pareho naming tinitigan yung gitara ko.

"Tanda mo pa?" tanong nito sa akin

ngumiti ako sa kanya at tumango.

kinuha niya ang gitara at may ipinakita sa akin na Lettering, Lettering ng pangalan ko 

"Ginawa ko to kanina habang wala ka." nakangiti niyang sabi sa akin

napangiti ako sa sinabi niya

ang ganda ng pagkakalettering niya ang galing talaga ng Kuya ko! 

tumugtog siya at halos maiyak ako sa tinugtog niya

ang paborito kong kanta.

"When I see your smile

Tears roll down my face I can't replace

And now that I'm strong I have figured out

How this world turns cold and it breaks through my soul

And I know I'll find deep inside me I can be the one"

"I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven"

tumigil siya at napatingin ako sa kanya.

umiiyak ang kuya ko. :'(

napaiyak rin ako.

pinunasan niya ang pisngi ko at pinunasan ko rin yung kanya.

ang kuya ko umiiyak .Ngayon ko lang siya nakitang umiyak :'( Kuya, wag ka nang umiyak.. Please? 

"I'm sorry." lintanya niya.

tumulong muli ang luha ko.

"Hindi ako naging isang perpektong kuya sayo. Naaway kita pero palihim kitang pinoprotektahan." sabi niya sa akin "Dahil mas malupit ang mga tao paglabas mo ng mundo mo." 

"Hindi mo naman kelangang maging perpektong kuya, sapat na sa akin na kuya kita." nakangiti kong sabi sakanya.

I have to live. For my Brother ang pangalawa kong rason

10 Reasons (Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon