Pang-pito
Sunday, wala masyadong ginagawa at nasa bahay lang ako nagbabasa.
Hindi ko binasa yung The last song dahil hindi ikaw ang kasama ko kaya naghanap ako ng ibang libro sa kwarto ko.
Nakita ko yung Trilogy ng Hunger Games kaya iyon ang binasa ko.
May mga taong gagawin ang lahat para sa pera no? hahaha, Nanakawin ang buhay ng iba para sa pera at sa ikaliligaya nila.
hindi ba nila alam na kasalanan yon?
"Anaaaaak! tara dito." tawag sa akin ni Mama kaya dumaba ako
"Bakit po?" tanong ko.
"Mag bihis ka, Aalis tayo." sabi ni Mama.
saan naman kaya kami pupunta?
Nagsuot ako ng Jogging Pants at Semi Longsleeves na t-shirt.
"tara po." bumaba na ako at sinuot yung Rubber shoes ko.
Nakita ko si Kuya na Dala naman yugng Gitara niya.
Ang ganda nung lugar na pinuntahan namin, Naisip ko tuloy na next time ikaw naman ang dadalhin ko dito.
Kitang kita mo yung view ng buong syudad, masasabi ko kung nasaan ang bahay mo. Hahahaha.
tas may mataas na puno.
"Alam niyo ba, Ang puno na ito.. Kami ng papa niyo ang nag tanim nito dito. At taon taon binibisita namin ito, at Kasing tanda mo na ito." sabi sa akin ni Mama
so Ibig sabihin 16 Years old na yung punong yan?
Astiiig, Dapat nga kitang dalhin dito :)
nag ihaw sina mama doon habang kami naman ni Kuya nag gigitara siya kakantahin ko.
"Nasabi ko nabang ang ganda ng boses mo? Ang ganda ng boses ng kapatid ko?" sabi ni Kuya
"Sa tuwing kumakanta ka sa kwarto mo, dinig na dinig ko yon sa kwarto ko kaya nirerecord ko." inilabas niya yung cellphone niya at pinarinig niya sa akin
Natawa ako kasi meron doon Sobrang SINTUNADO AKO. hahahahaha
"Pero eto talaga ang pinaka gusto kong kinanta mo." sabi sa akin ni Kuya at pinarinig niya sa akin ang kantang Beautiful.
napangiti ako.
"Bagay na bagay sayo ang kantang to." sabi sa akin ni Kuya.
"you're beautiful no matter what they say, words can't bring you down."
naramdaman kong nag teary eye nanaman ako, bakit pag si kuya parati kong kausap feeling ko, nasasaktan ko yung damdamin niya.
"Alam mo bang, nagsisisi ako? Hahaha, Ang daming oras ang sinayang kong maging malapit sayo. Imbis na maging close tayo, parang itinulak pa kita palayo."
niyakap ko siya "Ayan ka nanaman kuya hahaha, Wala kang dapat pag sisihan tingin mo ba kung close tayo makakatayo akong mag-isa? You're one of my teachers, you taught me how to stand alone."
naramdaman kong may yumakap saamin ni kuya
"You both are our angels." sabi ni Mama.
tinignan ko siya sa mata at nag teary eye siya.
"Live. Please."
at nagulat ako ng makita kong umiyak si papa sa harap ko at niyakap ako.
hindi ako makakilos.
"Please. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa.. Bakit ikaw?" sabi ni Papa niyakap rin ako ni mama.
hinalikan ako ni Papa sa noo.
napapikit ako para damhin yung halik na yon.
and my 4th and 5th reason.
I have to live.. For my parents.
BINABASA MO ANG
10 Reasons (Diary)
Teen Fiction"Should I live and fight for my life, Or give up and accept the things that no matter what, I'm still going to die."