Pang-anim
"MISS!"
"MISS!"
"MISS!!!"
"MISS NA MAY VIOLET NA BACKPACK!" lumingon ako sa tumawag at laking tuwa ko ng ikaw pala iyon at ako pala ang tinatawag mo.
Natawa ako ng kaunti, paano ba naman sa huling tawag mo sa akin ay ako lang talaga ang may violet na backpack.
"Bakit?" tanong ko sayo
hingal kang ngumiti sa akin at kinuha ang bag ko
Para tuloy akong nakuryente. Hahaha, Syempre kinikilig nanaman ako
Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa saya.
"Ipagbubuhat na kita ng gamit." nakangiti pero seryoso mong sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
ngumiti ako sayo. "Salamat." sabi ko.
Sabay tayong naglakad papunta sa classroom
kakaunti palang ang estudyante non
inabutan mo ako ng strawberry
"Mahilig ka dito hindi ba?" tanong mo sa akin
tumango ako at kumuha doon
Matamis. Ang sarap ng Strawberry na binigay mo sa akin na kung hindi lang ito nabubulak malamang ay hindi ko na ito kinain.
kinuha ko nalang ay yung dahon ng strawberry na hindi naman kinakain at inilagay sa wallet ko.
Oo nga pala, Pinalaminate ko pa yon hihi..
habang busy tayong kumakain biglang dumating si Louz.
Nakita ko...
Nakita ko kung paano mawala ang kurba sa labi mo.
nakita ko na mula sa pagkakangiti ay nawala ang ngiti mo at napalitan ng sakit ang mga mata mo.
Gusto kitang takpan
Gusto kong takpan kung ano yung nakakasakit sayo pero ako mismo nasasaktan sa nakikita ko kaya.. papano?
"Uhmm.. Gusto mo bang lumabas muna? Medyo hindi ako makangiha dito." suhestyon ko sayo
tumingin ka sa akin na para bang nakakita ka ng pag-asa oo napansin ko yon.
Mula sa walang pagasa nagkaroon ka ng pag-asa nung tumingin ka sa akin na tila niligtas kita sa panganib
sana ganyan rin sa pag ibig no? Ako yung pag-asa mo, ang nagiisa mong pag-asa.
tumango ka at lumabas tayo.
nagtama ang tingin niyo pero ni isa walang rumesponde.
tumingin sa akin si Louz at napalook down nalang ako. Eto lang ang kaya kong gawin para mapagaan ang loob mo. Hindi tulad ni Louz na sa oras na mahalin ka niya hindi lang pagpapagaan ang kaya niyanng gawin kung hindi ang paligayahin at pasayahin ka, at sa isang iglap ay paiyakin at palungkutin ka.
Pero ni minsan ay hinding hindi ko hihilingin na maging kalungkutan ng isang tao. kahit kelan. Mas pipiliin kong maging kasiyahan nila ngunit parating may kapalit ang kasiyahan nila sa akin.. maari rin nila akong maging kalungkutan..
nagpunta tayo sa canteen, sinusundan mo nga lang ako non na kulang nalang ay hatakin kita dahil ano mang oras babalik ka sa room at magmamakaawa sa kanya
na-upo ka doon sa isang table ako naman ay kumuha ng tubig at bumili ng lollipop
pag stressed kasi ako gusto ko lang talaga ng sweets. :)
kaya binigay ko yon sayo baka sa kaling gumana.
inilapag ko sa harap mo yong mga yon at ngumiti sayo
"Pag ako kasi ang namomoblema yan ang pampalipas ko. Effective." sabi ko sayo at ngumiti
tinignan mo lang yung lollipop kaya binuksan ko yung isa sa harap mo at kinain yon at saka sumandal sa upuan ko at ngumiti sayo
binuksan ko ulit yung isa at binigay sayo nag alinlangan ka pang kainin yon HAHAHA!
Nung araw na yon nag Cutting tayo! hahaha, Medyo Bad influence! XD
nagpunta tayo sa mall, at nag timezone, hindi pa nga ako marunong non eh, at hanggang ngayon nasa akin parin yung card ko, kelan ko kaya magagamit yon? hahaha.
Nagpunta tayo sa park pagkatapos non.
Na-upo sa swing
Nanood sa mga batang nag lalaro
"Salamat." sabi mo sa akin nang nakangiti gusto kong makita araw araw ang mga ngiti mong yan.
tinignan ko yung mga batang naglalaro
"Para saan?" tanong ko
"Sa pagpapasaya sa akin." sabi mo sa akin, Kahit hindi mo hilingin eto talaga ang gagawin ko, ang pasayahin ka.
"Ahh. Wala yun no, masaya akong makita kang masaya at masakit sa akin na makita kang nasasaktan." sabi ko sayo at tumingin sa langit papalubog na ang araw, ang gandang view at ikaw pa ang kasa ko non.
"Live.. Just live, and fight." nababa ang tingin ko sayo nun at nag taka.
You're asking me to live.
and there's my third reason.
I have to live, for you. Babantayan ko pa ang puso mo. Gagamutin ko pa ang sugat sa puso mo..
BINABASA MO ANG
10 Reasons (Diary)
Teen Fiction"Should I live and fight for my life, Or give up and accept the things that no matter what, I'm still going to die."