Pangalawa

246 10 1
                                    

Pangalawa

Third year na ako.

Kaklase nanaman kita.

Pero hindi na ako natuwa doon.

Kaklase rin kasi natin si Louz.

At tsaka isa pa. Masakit.

Masakit na siya parin ang mahal mo.

Masakit makita na nililigawan mo siya hatid sundo araw araw

Ipagdadala mo ng gamit.

At ang pinakamasakit..

yung araw na sinagot ka niya ng matamis niyang 'Oo'

iniyakan kita kinagabihan

iniisip ko pa nga bakit kita iniyakan pero ang alam ko lang masakit.

Sobrang sakit.

Wala na atang ibang salita na namumutawi sa puso't isip ko kundi masakit.

kinabukasan nag pa-assignment si ma'am or more of activity.

Pinasulat tayo nito.

Tapos sa katapusan ang pasahan, parang diary.

Pero kelangan sa huli masagot ang 'What is love'

Pero ngayon gustong gusto kong isagot na.

Love is hurt.

Syempre masakit nanaman ang salitang hurt.

Ano bang meron sayo at ganito ako kabaliw sayo?

One time nahuli ako ng kapatid ko na nag susulat dito alam mo ang sinabi?

"Hoy, Anong kaartehan naman yan?" sabi ng Kuya ko

Kaartehan Psh.

"Nye nye." sabi ko nalang

Hindi kami magkasundo ng kuya ko dahil sa kanya.

Masyado siyang pa-cool

na parang ikamamatay niya pag close kame.

at isa pa, Kaartehan na ba ngayon ang paggawa ng activity?

"Baka naman may boypren ka na! Nako! Dalhin mo dito at uupakan ko!" sabi pa nito.

-_-

Kinabukasan pagpasok ko ay nakita kita na nag hahanda para sa kanya.

Parang nanadya nga yung tadhana nun kasi tayong dalawa lang nasa classroom ay mali ikaw lang pala kasi papasok palang ako sa room non.

tapos dapat aalis nalang ako pero nakita mo ako at tinanong

"Ayos na ba ito?" tanong niya sa akin

tumango ako sayo at ngumiti, mas mapapangiti siguro ako kung para sa akin yan.

"Oo naman, ang ganda kaya." sabi ko

"Monthsary kasi namin ni Louz eh." alam ko.

LAHAT ALAM KO.

nakatatak yan sa kalendaryo ko, dinaig pa yung mga examination days.

Ewan ko ba na kahit ang sakit na sa mata kinakaya ko pa.

Martyr ba ang tawag dito? O tanga? O pareho?

Pwede ba.

Kung pwede nalang mamanhid sa sakit.

napapaisip tuloy ako mamatay ng dahil sa sakit na nararamdaman ko?

naramdaman ko ang pagbilis ng pag tibok ng paghinga ko

at pagbigat ng dibdib ko.

"Namumutla ka?" tanong mo sa akin at nilapitan ako.

nanlamig ang paligid ko at pinawisan ako.

huminga ako ng malalim na tila kakapusin 

napahawak ako sa dibdib ko. "c-can't breathe." 

And for the first time para na rin akong umamin sayo, yun nga lang mala she's dating the gangster na vocabulary.

Malay ko ba kung alam mo ang can't breathe also means I love you?

Dinala mo ako sa ospital.

Dinala mo ako sa doktor ko.

Ano bang klaseng tadhana to? 

Akalain mo ba namang

"Iha. Napapabayaan mo na ang sarili mo." malungkot na sabi sa akin ng doktor.

hinanap ka ng mga mata ko at nakita kita sa tabi nito.

"Sarcomas." sabi ng doktor

Isang salita na never ko pang narinig.

"cancerous na ang tumor sa puso mo." 

sabi sa akin ng doktor na tila nag pabato sa kinahihigaan ko.

Cancer?

10 Reasons (Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon