Pang-sampu

168 8 1
                                    

Pang-sampu

Gabi gabi akong binabantayan ni Kuya, halos araw-gabi na ata siyang nasa ospital para lang bantayan ako, ayaw niya akong iwan.

Hindi ko alam pero sobrang pagod na ang nadarama ko.

“Konti pa.” sabi sa akin ng Kuya ko.

“hindi ko na kaya.” Sabi ko sa kanya pero ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko “Pero kakayanin ko.” Hinalikan niya ako sa noo.

Lumipas ang mga araw tuloy tuloy ang cycle.

Nahihirapan na rin akong mag sulat. Pero sabi ng doctor bumubuti na daw ang pakiramdam ko ipagpatuloy lang daw ang chemo.

Pero hindi iyon ang nararamdaman ko.

Sakit. Puro sakit ang nararamdaman ko hindi lamang pisikal dahil pati sayo nasasaktan ako.

Ipinasok si Louz sa ospital kung saan ako nag s-stay.

Tandhana nga naman.

Ang buhok ko?

Naisip ko na sayang ang makintab at straight kong mahabang buhok kung malalagas lamang ng walang katuturan.

At nakita ko si Miley.

At sabi ni Kuya may kakilala daw ang ‘girlfriend’ niya na pwedeng pag donatan ng Buhok ko kaya nag pagupit ako.

Oo masakit sa loob ko pero para sa ikaliligaya ng ibang bata.

Bumisita ako doon isang araw at bilang ang oras ko.

Niyakap ako nung batang binigyan ko ng buhok.

At alam mo ang sinabi sa akin?

“Ate. Paano kaya kung nagkabuhok rin ako? Ganito rin kaya kaganda yon?” halos maluha ako at todo todong pasasalamat na sa panginoon ang nasa isip at puso ko.

Pero naawa rin ako sa mga batang never na experience na magkaroon ng buhok na ipupusod isusupil at ibebraid.

Binrush ko ang buhok ko at sapo sapo ko ang mga buhok kong nalalagas at kada lagas nito ay naiiyak ako

Dumalaw sa akin ang mga kaklase naten dala ang picture ng booth at picture noong JS. Nakakainggit gusto ko rin ng ganon gusto ko ring ma experience yung JS. Gusto kong magsayaw kasama ka sa isang lovesong. Gusto kong magkaroon ng snow. Pero tanging ang booth lang ang nadala nila ditto. Napagalitan pa sila dahil nagkalat daw sila sa kwarto ko.

Hindi ka na muling dumalaw sa akin, okay na rin yon matutok ka sakanya pero at least alam kong nasa tabi parin kita hindi ba?

Sinabihan mo pa ako ng mahal mo ako.  Sana mahal mo talaga ako at hindi kinaawaan.

Lumipas ang ilang lingo ang sinabi nila’y hinimatay daw ako pero parang heart attack ang naramdaman ko non dahil bigla nalang tumigil sa pag tibok ang puso ko.

Natakot ako na baka iyon na ang huling araw ko at hindi parin kita nakikita

Naiiyak ako sa kada iisipin ko na mamamatay rin ako kalaunan na kahit ilang rason ang isipin ko mamamatay parin ako. Lahat ay may hangganan pati ang buhay ng tao. Yun nga lang may nauuna.

Lumabas ako ng ospital masayang Masaya ako non dahil pinayagan ako ng doctor pero hindi ako makalabas ng mismong ospital natatakot ako na baka ijudge ako ng tao sa paligid ko.

Natatakot ako na pandirihan nila ako.

Tumingin ako sa mga taong nagdaraan may mga naka unipormeng pang eskwela at pang trabaho ang iba’y busying busy sa pakikipag usap sa telepono habang nag mamadali sa paglalakad.

“Oh? Yaya. Ikaw na bahala kay Jun” dinig kong sabi ng isang ina kasama ang kanyang asawa at parehong elegante ang suot bago sumakay ng sasakyan nilang elegante rin.

‘ikaw bahala’ ganun kadali sa kanila na ipaubaya ang anak sa iba? Marahil kung ako’y magiging ina, ay hinding hindi ko magagawa yon.

Naalala ko tuloy si Louz, malapit na siyang manganak hindi ba? Gusto kong masilayan ang kanyang anak kahit haplos lang sa isang bata.

Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.

Nakita kita.

Ikaw.

Humarap ako sayo natatakot ako na pandirihan mo ako

Dahil nangangayayat na ako ng sobra at may oxygen tank pa akong dala, dahil sinasabayan ng hika ang sakit ko.

“L-Long time no see.” Sabi mo sa akin.

Ngumiti ako sayo.

“Oo nga. Kamusta?” tanong ko

“O-Okay lang. Manganganak na si Louz.” Parang kanina lamang ay sinabi kong gusto kong Makita ang magiging anak ni Louz at eto na.

Ngumiti ako sayo at tumango sabay tingin sa langit

“B-Break na sila ni Chester.” Sabi mo sa akin.

Nanatili akong tahimik.

“May mga bagay kasi na ang hirap hirap para sa atin na pakawalan kaya lalo tayong nasasaktan.”

Napayuko ako sa sinabi ko.

“Ahm. Tapos na bang manganak?” pagiiba ko ng topic.

“S-Siguro. Kanina pa yon eh.” Sabi mo sa akin

“gusto kong Makita yung bata.” Sabi ko at nauna nang maglakad habang bitbit ang dextrose at oxygen tank ko.

Tinulungan mo ako

At nagtanong ka na.

“K-Kamusta ka na?” tanong mo sa akin.

“eto. Bumubuti na.” tinignan ko ang braso kong konti nalang ay magiging buto nalang at pinakiramdaman ang unti unting pakalbo kong ulo.

Tinignan ko ang iba ko pang pasa.

At inalala ang panlasa kong nagbago na.

“Bumubuti?” tanong mo sa akin

Tumango ako

“Oo. Epekto ng Chemo.” Sabi ko at ngumiti.

“Maya maya lamang ay magkakaroon ulit ako ng chemo at gusto kong nandoon ka. Pwede ba?”

Tumango ka na siyang nag bigay buhay sa akin

May kakapitan na ako sa kawalan

Nakita ko ang anak ni Louz, ang ganda. Ang ganda ganda manang mana kay Louz.

Naiiyak ako habang tinitignan ko lang ang bata mula sa likod ng salamin na nag se-separate sa amin.

If only I have a chance.

Matapos ang Chemo ko ay nagpatuloy ako sa pag suka.

Hanggang sa feeling ko nailabas ko na lahat ng naipon kong lakas last week at lahat ng kinain ko.

Nasa tabi lang kita non, inaalalayan ako.

Tinulungan mo akong mahiga at kitang kita ko ang paga-aalala sa iyong mukha.

“K-Kung alam k-ko lang.” nauutal utal mong sabi

Ngumiti ako sayo habang unti unting pumipikit ang mga mata ko Sobrang pagod ang nararamdaman ko.

“we only care when it’s too late.” Pag uulit ko sayo nung mga sinabi ko noong malaman ko na may cancer ako.

At sa pagpikit kong muli ng mga pagod kong mata nakita ko ang sarili ko kung sakaling mabubuhay ako.

Gusto kong maabot ang mga pangarap ko.

Gusto kong Makita ang sarili ko sa unipormeng nais ko.

Gusto ko pang mabuhay.. sapat na ba yon?

I have to live. For myself.

10 Reasons (Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon