"Tiyak... masasarapan ka."
NAKAKAHILO ANG mahaharot na strobe lights habang makabasag-ear drum naman ang tili ng mga matrona't baklang nagkakatuwaan sa Kiss Me Gay Bar. Aliw na aliw sa gumigiling na naka-brief lang na macho dancer. Bakat ang kanyang malaking ari dahil basang-basa na ang kapirasong saplot sa tagaktak ng pawis na humihiwalay sa langis na nagpapakintab sa matipunong katawan. Idagdag pa ang init ng nakatutok na spotlight.
Kumikislap naman ang pulampulang lipstick sa makapal na labi ni Candy tuwing tinatamaan ito ng ilaw. Halatang suki siya sa gay bar dahil hindi na niya pansin ang macho dancer na ngayo'y hinuhubad na ang brief na lalong nagpalakas sa hiyawan ng mga customers. Mas interesado si Candy sa pino-prospect na lalake na nagsosolong nakaupo sa isang mesa. Habang dahan-dahang nagpapahid ng lipstick si Candy ay hindi umaalis ang titig niya kay Lander, umaasang magtama ang kanilang mga mata. At napansin nga siya ni Lander. Kinindatan ng bakla at gumanti ang lalake..nagkaintindihan na sila.
NAGTUNUGAN ANG magkakadugtong na mga kabibe na nakatali sa pintuan ng mumurahing motel. Walking distance lang ito sa gay bar. Unang pumasok si Candy.
Pupungas-pungas ang napabalikwas sa pagkakatulog na bell boy nang humarap kay Candy. Wala pa siya sa wisyo.
"Short time, papa," sabi ni Candy habang inaabot ang tatlong sandaang piso. "Keep the change."
Kumalansing ang susi na ibinaba ng bell boy sa counter.
"Room 4," sabay higa ulit sa folding bed na nasa likod ng counter.
SIGURADONG SUKI rin si Candy sa mumurahing motel na ito dahil hindi na itinuro ng bell boy kung nasaan ang Room 4.
Tahimik ang motel liban sa garalgal ng electric fan na nauuhaw sa langis, Naki-ingay na rin ang stiletto ni Candy sa bawat tapak nito sa hallway. Tahimik naman ang itim na gomang pekeng Nike na bili ni Lander sa Greenhills.
"Excited na ako, papa. Ang bilis mong sumama. Trabaho mo ba ito?", usisa ng bakla.
"First time lang. Kailangan ko lang ng pera."
Of course hindi naniniwala si Candy. Lihim siyang napangiwi. Yun naman ang sinasabi ng lahat, syempre mas mahal kung virgin. Sigurado ring kukwentuhan siya ng malungkot na kadramahan sa buhay para makakuha ng dagdag sa bayad.
Nakarating na sila sa Room 4. Nasa dulo ito ng hallway. Dito inilalagay ng room boy ang mga customers na maiingay. Para hindi gaanong maka-istorbo sa iba pang mga customers. At si Candy ay isa sa mga iskandalosang bakla. Sumisigaw pa siya pag nakakaabot sa kasukdulan.
"Dadagdagan ko ang bayad...pag masarapan ako." Habang sinususian ang Room 4.
"Tiyak...masasarapan ka."
NAGTATALIK NA sina Lander at Candy. Iba-ibang posisyon. Lahat ng hilingin ng bakla ay pinagbibigyan ng lalake. Sobra sa ingay ang nasa alapaap na bakla.
Kulang isang oras ay napadapa si Candy. Humihingal sa pagod. Tumayo si Lander at lumapit sa mesa. Makikita ang mga peklat sa kanang braso ma tinubuan ng makakapal na keloids. Kagat ito ng aso... Malaking aso.
Tumayo rin si Candy para manigarilyo. Pareho silang hubo't hubad. Matipuno ang katawan ng lalake na alaga sa gym. Payat naman ang sa bakla, alaga sa kahalayan.
Habang nakatalikod si Candy, maingat na kinuha ni Lander ang patalim na nakatago sa jacket niya na nakasampay sa dingding. Isasagawa na niya ang tunay na pakay niya sa gabing ito.
"A . Lander, hindi ako naniniwalang first time mo lang ito. Napakagaling mo sa sex. Nasarapan ako." Humarap si bakla kay Lander. Sabay tago naman ng lalake sa kanyang likod ng hawak na patalim. "At tulad ng pangako ko, dadagdagan ko ang tip ko sa 'yo."
Lalapit si Lander at hahawakan ng kaliwang kamay ang ari ng bakla. Sisiguruhing malambot na ito.
"Papa, naka-tatlo na tayo," habang humahalinghing ang bakla. Sarap sa pagkakahawak ni Lander. "Magpahinga muna tayo. Hindi ko pa kaya."
Yun ang gustong marinig ni Lander. Habang hawak ang malambot pang ari ni Candy ay pinutol niya ito.
Napatingin si Candy sa humapdi niyang harapan. Nakita niya ang pagsirit ng dugo sa pinagputulan ng ari niya. Napasigaw siya.
"Ah! Ah!...Aaaahhhh!!!"
At sunud-sunod na saksak ng patalim ang pinakawalan ni Lander sa dibdib ng bakla.
Palabas noon sa tapat ng Room 4 ang room boy, dala ang pinalitang maruming punda at kumot. Nadinig niya ang sigaw ng bakla at napailing.
Tsk..Tsk. Napaka-iskandalosang bakla. At hindi na niya ito pinansin. Sanay na siya sa mga hiyawan at ungulan ng mga maiingay na customers. Siguradong magugulat siya sa malagim na nangyayari sa loob ng kwarto. Kung sumaklolo lang siya, baka nahuli o nakilala ang salarin.
Sa loob naman ng Room 4 ay patihayang bumagsak sa kama ang wala nang buhayna bakla. Unti-unti nang napupuno ang puting kobrekama ng pulang dugo. Hawak ni Lander sa kanang kamay ang patalim at sa kaliwa naman ang putol na ari ng bakla. Basang-basa na sa dugo ang parehong kamay ng lalake. Lumapit siya sa bangkay at tulad ng dating ginagawa niya, isinubo ni Lander ang ari sa bunganga ni Candy.
Parang walang nangyari na nagpunta sa banyo si Lander. Hinugasan ang mga dugo sa katawan. At nang malinis na ay nagbihis na. Ibinalik sa jacket ang patalim at kinuha ang kapirasong papel sa bulsa. Bago niya lisanin ang lugar ay inilagay niya ang papel sa dibdib ng biktima.
Ang nakasulat sa papel: X Man.
BINABASA MO ANG
X Man
Mystery / ThrillerTrilogy ng abnormal na mga tao. Ang una ay kwento ng serial killer ng mga bakla,. Ang pangalawa ay istorya ng batang bosero. Ang natuklasan niya sa isa niyang nabososan ay magpapagulo sa kanyang pag-iisip. Ang ikatlong kwento ay sa pamilyang nagbebe...