"Magbabate lang naman...Kaya pumayag na ako."
SA ISANG bodega ng patis napili ni X Man magpa-interview. Nakatakip ng bonnet ang kanyang mukha. Background ang taong ng patis at madidinig ang mahinang mga patak ng ulan sa may mga butas nang bubong. Hindi nila alintana ang mga tilamsik na nanggagaling dito. Panay ang sipat ni Roy sa camera. Medyo madilim dahil ilaw lang ng camera ang gamit. Okay lang yon, ang mahalaga ay malinaw ang audio... Ang ipagtatapat ni X Man!
Excited si Janine dahil sinusubaybayan ng mga manonood sa TV station na pinagtatra-bahuhan niya ang istorya ni X Man. Meron din siyang column sa tabloid. Exclusive ang interview na ito kaya break na niya ito. Bukas, siguradong pag-uusapan ito. Salamat kay X Man. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Sino ba ang hindi matatakot na makausap ang nakapatay na ng anim na bakla?
Sinenyasan na ni Roy si Janine para mag-umpisa.
"Narito po ang interview natin kay X Man, ang serial killer ng mga bakla." Halatang may kaba si Janine dito sa una at mahalagang assignment niya. "A, anim na mga bakla ang napatay sa kalunos-lunos na paraan. Iniiwan ng salarin ang papel na may nakasulat na X Man sa mga biktima." Medyo napahinto si Janine, iniisip kung may mali sa mga nasabi niya. "A, ikaw ba si X Man at ikaw ba ang pumatay sa kanila?"
Direct to the point ang unang tanong ni Janine.
"Ako nga," sabay ubo ni X Man.
Naghihintay sina Janine sa pagpapatuloy ni X Man. Panay takip sa ilong sa baho ng patisan. Marami ring daga sa bodega. Takot din si Janine sa daga. Mga bagay na dapat tiisin ng mga reporter.
"X Man, bakit ka pumapatay ng bakla?" ang pinakamahalagang katanungan.
Matagal bago nakapagsalita si X Man. May panaka-nakang pag-ubo. At nagbabalik sa kanya ang mga pangyayari noong bata pa siya. Nakikita pa niya ang pangit na mukha ng bading na nakaibabaw sa kanya. Mga 14 years old pa lang siya at medyo may kaliitan pa. Kaya kayang-kaya ng bakla na maibaba ang basketball shorts niya.
Nagsalita na rin si X Man.
"Bata pa ako ay pinagsamantalahan ako ng bakla." Umubo ulit si X Man. Hindi naman nagmamadali si Janine. Ang mahalaga ay matuloy ang interview.
"Binabayaran niya ako para maglinis ng apartment niya. Gabi-gabi ay may lalake siyang dinadala dito. Sa umaga ako nagpupunta para linisin ang magulo niyang silid." Biglang lumakas ang patak ng ulan. Maingay ang bubong.
"Pasensya na, X Man." Napakaswerte naman at humina ulit ang ulan. "Pwede na tayong magpatuloy," sabi ni Janine.
"Pumupunta ako sa apartment tuwing umaga. Madalas ay tulog pa siya. Maliligo at nagmamadaling pupunta na sa kanyang parlor." Dahan-dahan ang pagkukwento ni X Man. "Napakabastos niya. Lagi siyang hubo't hubad. At minsan nagbabate pa siya. Minsan babayaran daw ako ng P100 para lang ako ang magbate sa kanya." Matagal na hindi nakapagsalita si X Man. Kaya nagtanong na si Janine.
"Pumayag ka?"
"Nu'ng una ay hindi. Pero nangailangan ako ng pera sa school. Magbabate lang naman. Pumayag na ako."
KINABUKASAN ay pinapalabas na sa TV ang interview ni Janine kay X Man. Tulad ng inaasahan marami ang nanood dito.
Sa isang parlor, nanonood ang mga bading na parlorista at mga customers.
"Isang araw hindi lang pagbabate ang hiniling niya sa akin. Gusto niya akong maghubo't hubad. Iba ang itsura niya. Sa palagay ko naka-drugs." Ang sabi ni X Man sa TV habang pinapanood ng mga parlorista.
"Nagpumiglas ako sa kanya at nagtatakbo sana palabas pero nakakawala pala ang aso niya. Nakita kong may hawak siyang pamalo kaya lumabas na ako. Pinili kong makagat ng aso... kesa sa baklang 'yon!"
Ang totoo ay sunud-sunod na ang ubo ni X Man sa parteng ito. Kaya lang dahil na-edit na hindi ito napansin ng mga nanonood.
SA ISANG MADILIM na sala. Seryosong nanonood ang isang lalake.
"Nakatakas ako kahit maraming kagat sa braso ko. Nakita ako ng nanay ko. Nagtuloy kami sa Barangay. Nagreklamo si Inay, pero nabaligtad pa ang istorya. Nagnakaw daw ako. Binigyan lang ng P1000 ng bakla ang nanay ko. Sa takot na baka ako pa ang lumabas na nagnakaw, pumayag na si Inay."
Nagpupuyos sa galit ang seryosong lalake. Nagpatuloy si X Man.
"Tinukso ako ng mga kakilala ko. Ipinalalabas pa na bakla na pineperahan ko siya...para sa pinandidirihan kong gawin."
HABANG KUMAKAIN NG mami ang mag-amang Romy at Bobong ay nanonood din sila.
"Bakit ka nakikipag-sex bago mo sila pinapatay?" Tanong ni Janine.
"Dalawang dahilan... Binigyan ko sila ng kasiyahan kapalit ng buhay nila. At para lumambot ang kanilang (bleep). Mas madali ko 'yong maputol!"
Darating si Mely galing palengke. Makikita na pinapanood ng mag-ama ang pamosong interview kay X Man. Galit na isasara niya ito.
"Ano ka ba naman Romy... hindi mo dapat pinapanood kay Bobong ang mga ganyan."
Tuloy sa kusina ang imbyernang si Mely.
"Galit din ba si nanay sa mga bakla?" Tanong ni Bobong.
"Galit siya kay X Man." Sagot ng ama.
TAPOS NA ANG interview kay X Man ay nag-iisip pa rin ang seryosong lalake sa madilim na sala. Nagkalat ang mga clippings niya sa iba't ibang dyaryo. Mga artikulo na tungkol kay X Man.
BINABASA MO ANG
X Man
Mystery / ThrillerTrilogy ng abnormal na mga tao. Ang una ay kwento ng serial killer ng mga bakla,. Ang pangalawa ay istorya ng batang bosero. Ang natuklasan niya sa isa niyang nabososan ay magpapagulo sa kanyang pag-iisip. Ang ikatlong kwento ay sa pamilyang nagbebe...