"Nasaan ka, X Man?! Nasaan ka?!!!"
LAMP LANG ang ilaw na nagpapaliwanag sa apartment ni Lander. Pupugak-pugak ang electric fan na ilang araw nang hindi napapatay. Malamang na nag-iinit na yon tulad ng init ng katawan ni Lander. Umuungol siya sa gutom at hirap ng paghinga. Natrangkaso siya mula nang mainterview siya ni Janine. Nabasa siya noon at pinawisan sa loob ng kulob na bodega kung saan niya isiniwalat ang galit sa mga biktima niya.
May panaka-naka siyang pag-ubo. At bigla na namang uungol. Pinapawisan siya nang malamig. Naiisip niya ang mga pinatay niyang mga bakla. Ang kanilang pagtatalik. Iba-ibang posisyon. Mga iba-ibang klase ng pag-blowjob sa kanya at pagganti niya na labis na nagpapasarap sa bibiktimahin. Tulad ng sinabi niya sa interview, ang pakikipagtalik niya ay kabayaran sa pagpatay niya sa kanila. Paliligayahin muna bago siya maningil. Pero iba ang naiisip niya ngayon. Hinahanap-hanap na niya ang pagtatalik na ito na mag-iisang linggo na ngayong hindi niya nagagawa. May nakapagsabi na kapag nasanay ka na sa isang bagay at ito ay iyong nagustuhan, ito ay iyo nang hahanap-hanapin. At hinahanap-hanap na ngayon ni X Man.
Naiisip niya ang pagsubo ng ari niya at pagpapalabas sa loob ng bibig ng bakla. Ang mga dila na sanay na sanay paglaruan ang mga bayag niya... paitaas hanggang sa ulo. Kung dati ay kailangan niyang pumatay...ngayon, kailangan niyang makipagtalik...Hindi dahil sa galit... dahil ngayon, sa libog niya.
Lahat ng pagtatalik niya sa mga biktima niya ay naalala niya. Eksperto ang mga yon. At nagpapaubaya siya. At ngayon...kailangan niya ito. Parang nararamdaman niya ang pagblowjob sa kanya. Habang naiisip niya ang pakikipagtalik na yon, siya ay nagbabate. Hanggang siya ay labasan.
Oooooh!
Napaupo siya sa kama. Butil-butil na malamig na pawis ang tumutulo sa kanya. Mahina na ang electric fan. Mainit na kwarto. Kailangan niyang humanap na ng bakla... Hindi para patayin... Para muling makipagtalik!
PINAPANOOD NG mahiwagang lalake ang balita ni Janine sa TV. Tungkol ito kay X Man. Hindi ito tungkol sa mga nabiktima ng serial killer ng mga bakla kundi ang pananahimik nito.
Isang linggo na mula nang aming mainterview si X Man pero hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapatay. Ang panlimang biktima niya ay nagngangalang Shakira at hanggang ngayon ay wala pa itong kasunod.
Papatayin ng misteryosong lalake ang TV sa pamamagitan ng remote. Tiim-bagang ito. Kitang-kita ang pagngangalit. Mul siyaing magsasalin ng alak sa kupita. Straight niyang lalagukin ang alak. Makikita sa mesa ang tabloid na may nakasulat: Nanahimik Na Ba Si X Man?
Galit ang misteryosong lalake.
Nasaan ka!
At inihagis niya ang kupita!
BINABASA MO ANG
X Man
Mystery / ThrillerTrilogy ng abnormal na mga tao. Ang una ay kwento ng serial killer ng mga bakla,. Ang pangalawa ay istorya ng batang bosero. Ang natuklasan niya sa isa niyang nabososan ay magpapagulo sa kanyang pag-iisip. Ang ikatlong kwento ay sa pamilyang nagbebe...