X Man (Chapter 2)

47 2 1
                                    


                                                                            "Matinding galit..."

SA LABAS ng mumurahing motel ay nagkakaingay na ang mga usisero.  May mga nakaunipormeng mga Barangay Tanod na humaharang sa kanila. Nakakahilo ang paikut-ikot na ilaw ng sirena ng ambulansiya. Makikita ang reporter na si Janine na ini-interview ang bell boy.

       "Kilala mo ang biktima?"

       "Si Candy po," sagot ng bell boy. "Suki namin siya."

       "Ano ang totoo niyang pangalan?" 

       "Hindi po namin alam, Ma'm." Sabay kamot sa ulo.

       "Walang nakakilala sa kasama?"

       "Wala po."

       Lalabas sa motel ang isang imbestigador at sasalubungin agad ni Janine. Kilala na siya ng pulis dahil beat niya ito.

       "Ika-limang biktima ni X Man," sabi ng pulis.

       Ang serial killer ng mga bakla nga. Tama ang hinala ni Janine.

        "Yes Ma'm. As usual, pinutulan na naman ng ari ang biktima at isinubo sa kanya ni X Man." Napapailing ang pulis. "May galit ang salarin sa mga bakla."

       "Matinding galit..." pabulong na sabi ng reporter.

       Nahinto ang interview nang ilabas na ang stretcher na nagdadala sa bangkay. Magkakagulo ang mga usisero at kakilala ng biktima. Isang kamag-anak ang nagsisisigaw.

       "Candido... Sino na ang magbabayad sa upa sa bahay!"

 Sino na ang magbabayad sa upa sa bahay!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





X ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon