X Man (Chapter 11)

63 2 1
                                    


                             "Palagay ko dila na lang ang magtatrabaho sa kanya."

TANGHALIAN. SABAY sina Romy, Mely at Bobong sa mesa. Hindi kumakain si Bobong. Nilalaro lang niya ang ulam.

       "Dalawang araw ka na raw hindi pumapasok." Binasag ni Mely ang katahimikan. Hindi sasagot si Bobong. Hihinto si Mang Romy sa pagkain at hihintayin si Bobong na sumagot. Makikita rin ang paglalaro sa pagkain.

       "Kinakausap ka ng nanay mo." Nang hindi sumasagot si Bobong. "At bakit pinaglalaruan mo ang pagkain mo?"

       Ihihinto ni Bobong ang paglalaro sa pagkain. Pero tahimik pa rin siya.

       "Bakit hindi ka sumasagot? Tinatanong ka ng nanay mo."

       Hindi ko siya nanay. Bulong ni Bobong.

       "Ano ang binubulong mo? Ano ba ang problema mo?"

       Kahapon pa yan ganyan. Hindi mo mautusan. Hindi mo makausap," sabi ng nagtatakang ina.

       "Ano ba ang problema mo?" seryosong tanong ng ama. Nakatitig siya sa anak.

       "Hindi ako ang may problema."

       Tatayo si Bobong at tatakbong palabas.

       "Bumalik ka nga dito!" sigaw ni Aling Mely.

       Pero parang walang nadinig na tuluy-tuloy siya ng paglayo.

       "Sumosobra ang batang 'yon, a." Galit si Mang Romy.

       "Ano kaya ang problema ng anak mo? Parang galit siya sa akin," malungkot at nag-aalalang sabi ng nanay ni Bobong.

      "Wala ba siyang problema sa iskwela?"

       "Napagalitan ng teacher niya nu'ng isang linggo dahil nagsumbong ang kaklase niya na namboboso daw." Umiiling na sabi ni Aling Mely.

       "Baka dahil do'n."

       "Hindi 'yon. May ibang dahilan. Ilang beses kong nakakagalitan yang batang yan. Hindi naman siya nagdaramdam."

       "Kakausapin ko siya." Sabay kuha ng kanin si Mang Romy.

HAPON NA at oras na naman ng huntahan ng mga tsismosa sa tindahan ni Aling Cesta. Dadaan ang Innova ni Mang Miguel. Naghahanap ng mapagpaparkingan ang driver.

       "Binenta na nga si Veron." Si Toteng.

       Bababa sa kotse sina Mang Miguel, Veron at Jemeng. May mga dala: Cake na galing sa Red Ribbon, mga balutan galing SM.

     "Mga pasalubong yan kay Chedeng." Si Bebang.

       "Nadadalas ang paglabas nila. Tiba-tiba si Chedeng." Si Toteng ulit habang nakikinig lang si Cesta.

       "Tiba tiba rin si Mang Miguel. Parang apo na niya si Veron. At palagay ko virgin pa. Wala pang lamat ang banga." Si Bebang na naman.

       "Tama kayo. Pero ang ipinagtataka ko... bakit wala pang asawa si Mang Miguel?" Tanong ni Cesta.

       "Noon nabalitaan ko na hiwalay daw yan sa asawa. Pero hindi naman nambababae. Puro negosyo at mahilig sa karera ng kabayo," sabi ni Chedeng habang titignan sina Mang Miguel, Veron at Jemeng na papasok sa iskinita. Titignan sila ng nakasimangot na Veron. Alam na niya na sila ang topic ng mga tsismosa sa tindahan.

      "Matanda na si Mang Miguel. Hindi na tinitigasan yan. Palagay ko, dila na lang ang magtatrabaho sa kanya," sabi ni Toteng at tatawa nang malakas si Bebang.

 Palagay ko, dila na lang ang magtatrabaho sa kanya," sabi ni Toteng at tatawa nang malakas si Bebang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
X ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon