Bakit ako nagkakaganito?
HUBO'T HUBAD SI Lander nang lumabas sa banyo. Kaliligo lang niya. Ngayon lang siya nakakain nang maayos sa SM. May binili siya doon na hindi niya maisip kung bakit.
Humarap siya sa salamin. Hinaplos ang katawan. Napapikit siya. Naisip na naman ang mga pagtatalik niya sa mga baklang pinatay niya. Pagtira sa kanya sa puwet hanggang sa blowjob. Nagsimula siyang magbate. Hanggang siya ay labasan.
"Aaahhh."
Mahaba na ang bigote't balbas niya. Inahit niya ito.
Pagkatapos mag-ahit ay kinuha niya ang plastic bag at inilabas ang damit pambabae. Hindi niya naisukat ito, sinabi niya sa salesgirl na para sa girlfriend niya. Naisip ng tindera na sobra naman ang laki ng syota niyo.
Medyo masikip ang bestida. Pero okay na rin. At nilabas niya ang mga make up kit. Nag-foundation. Madali lang ito. Pero nahirapan siya sa pagkikilay at pag-aayos sa mata. Pero okay na rin. Habang nagli-lipstick ay nagtatanong siya sa kanyang sarili.
Bakit ako nagkakaganito?
Ang pumatol daw sa bakla ay bakla rin. Pero hindi niya akalain na hahanap-hanapin niya ang pakikipagtalik niya sa mga bakla. Ginawa lang naman niya yon para palambutin ang ari na kanyang puputulin. At bilang regalo sa pagpatay niya dito.
At sinuot niya ang wig. Umikot-ikot siya sa salamin.
Okey na.
SERYOSO ANG USAPAN ng mag-asawang Tiago at Chedeng kay Mang Miguel. Malungkot namang nakikinig si Veron.
"Mahal ko ang anak niyo. Hindi ko siya pababayaan," panigurado ng matanda.
"Nabigla kami sa desisyon niyo. Hindi namin akalain na si..." hindi naituloy ni Mang Tiago ang sasabihin. Halatang nabigla siya.
"Nauunawaan ka namin, Mang Miguel. Alam kong aalagaan niyo ang anak namin," si Chedeng ang nagtuloy.
Katahimikan.
"Dadalhin ko siya sa Palawan. Bukas ang alis namin. Pero maghohotel muna kami ngayong gabi," nakahinga na ng maluwag si Mang Miguel.
Nakatingin si Veron sa bandang kwarto. Nakatulala. Titignan siya ng ina.
"O, Veron, ihanda mo na ang mga damit," utos kay Veron.
"Nakahanda na po. Inay, pwede ko ba kayong makausap?" hiling ni Veron.
"Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Chedeng. Sabay sila ng anak na pumasok sa kwarto.
Papasok sina Veron at Chedeng sa loob ng kwarto.
MAGKAHARAP SINA VERON at Chedeng habang nakaupo naman si Jemeng sa kama. Bakas ang lungkot sa kwarto.
"Inay, bakit kayo pumayag?" nanginginig na tanong ni Veron.
"Akala ko alam mo na?" sagot ng ina.
"Hindi! Nabigla ako, Inay." Napalakas ang sagot ng anak.
"Napagdesisyunan na namin ng ama mo. Naka-oo na kami kay Mang Miguel."
"Dahil sa malaking ibinayad niya sa inyo?" umiyak na si Veron.
"Hindi lang do'n. Sa kapakanan nating lahat. Maniwala ka sa akin. Tignan mo ang Ate mo. Tutol din siya sa desisyon namin. Ngayon... mahal na niya si Mori... Masaya at sunod lahat ng gusto. Paano kung hindi nangyari yon? Baka kung sinong addict siya napunta."
"Pero iba ang sitwasyon ngayon, Inay!"
"Tama kami ng iyong Itay. Lahat nang bagay...makakasanayan."
Alam ni Veron na wala siyang magagawa. Ang ate nga niyang mas matapang sa kanya ay hindi nakatutol nang ipagbili sa Hapon, siya pa?
BINABASA MO ANG
X Man
Mystery / ThrillerTrilogy ng abnormal na mga tao. Ang una ay kwento ng serial killer ng mga bakla,. Ang pangalawa ay istorya ng batang bosero. Ang natuklasan niya sa isa niyang nabososan ay magpapagulo sa kanyang pag-iisip. Ang ikatlong kwento ay sa pamilyang nagbebe...