"Nasaan si X Man?"
TAHIMIK NA umiiyak pa rin si Aling Mely sa likod ng pinto.
Si Bobong ang malakas ang hikbi. Halatang sumasakit na ang dibdib sa mga nalaman. Malumanay ang pagsasalita ni Mang Romy.
"Hayag na bakla ang nanay mo sa Bulacan. Mel ang pangalan niya. Naging mag-boyfriend kami." Sabi ni Mang Romy.
Nakatingin sa kanya si Bobong. "Pumatol kayo sa bakla?" Halos pabulong na sa kahinaan ang pagkakasabing iyon.
"Noong una ay pineperahan ko lang siya. May kaya sila dahil Barangay Captain ang tatay niya. Pero nang nagtagal, nasanay na rin ako. At...napamahal na siya sa akin." Konting patlang. "Pero hindi talaga matanggap ng tatay niya ang pagsasama namin. Binubugbog lagi si Mel. Awang-awa ako sa kanya."
Mahaba-habang patlang. Madidinig lang ang hikbi ni Bobong.
"May isang bayarang babae ang kinontrata ng tatay ni Mel para sila ay mapakasal. Binalaan akong layuan ang nanay mo. Wala akong magagawa. Kesa laging binubugbog si Mel." Humugot muna ng buntonghininga bago nagpatuloy. "Isang taon ang nakaraan, nagka-anak sila. Ikaw nga yon, Bobong. Tatay mo ang iyong..." hindi na naituloy ito ni Romy. Lalo na nang maramdaman din niya na umiiyak na si Mely sa likod ng pinto.
"Pero talagang hindi sila pwedeng magsama. Nagkaroon ng ibang lalake ang totoo mong ina. Laging sinusumbat na napilitan lang siya sa baklang si Mel." Sandaling patlang lang. Parang nais na ni Romy na tapusin na ang paliwanag. "Itinakas ko si Mel at ikaw. Dito nga tayo napunta at nagpanibagong buhay. Magandang bakla si Mely, kaya napagkamalan nga siyang babae. Kaya mula noon, walang nakakaalam sa aming lihim. Hindi na rin kayo hinanap ng mga magulang ni Mely. Kaya tahimik na tayo."
Sana.
Lalabas si Mely sa pinto na luhaan.
"Anak, patawarin mo naman kami."
Hindi makatingin si Bobong. Hindi niya kayang harapin ang ina. Tatay? O anuman. Tumakbo siyang palayo. Mabilis.
UMIIYAK SI Bobong habang tinatahak ang daan. Hindi niya pinapansin ang paligid. At nang mapagod ay napaupo sa bangketa. Malakas ang pag-iyak.
Dadaan ang puting kotse ni Mang Miguel. Makikita ni Jemeng si Bobong na umiiyak. Tinignan niya ang kaibigan. Inisip kung ano ang problema nito? Malamang pupuntahan siya nito para magpasamang maglaro ng computer. Yun ang ginagawa nila kung may problema ang isa't isa. Hindi na sila magkikita pa. Maaaring matagal na. Ang ate Ivy nga niya ay nami-miss na niya. Ipinagbili si Ate sa Hapon. Ngayon, siya naman ang ibinenta...
Napahinto ang kotse dahil maraming nagkakagulo sa tapat ng Motel Cornosa. Bubuksan ni Mang Miguel ang bintana para mag-usyoso. May pinatay daw na bakla... Pero hindi raw si X Man ang pumatay.
Makikita si Janine habang umiikot ang ilaw ng ambulansiya. Madidinig ang sinasabi niya... "May nakasulat sa papel na nakapatong sa dibdib ng hindi pa kilalang patay. Hindi ito galing kay X Man. Maaaring isang lalaking gustong magpatuloy ng laban ni X Man. Ilang linggo na ring hindi nambibiktima si X Man, nasaan siya...?"
Wala nang makakaalam na ang X Man na serial killer ng mga bakla ay yan mismong biktima ngayon ng isang taong nagpapatuloy ng kanyang gawain.
"Tabi! Tabi!" ipinatabi ng kararating na si Mang Tiago ang mga usisero at usisera. Nakita niya ang sasakyang puti ni Mang Miguel at sinenyas sa driver na iabante na ang sasakyan. Umandar na ang sasakyan ni Mang Miguel. Sinilip ni Mang Tiago si Jemeng na may lungkot. Tumingin din sa kanya ang anak. Ngumiti naman si Mang Miguel kay Tiago.
Isasara na ni Mang Miguel ang bintana. Pero bago maisara ay makikita pa ni Mang Tiago ang pagyakap at paghalik ni Mang Miguel kay Jemeng sa labi,
Ang Katapusan
BINABASA MO ANG
X Man
Mystery / ThrillerTrilogy ng abnormal na mga tao. Ang una ay kwento ng serial killer ng mga bakla,. Ang pangalawa ay istorya ng batang bosero. Ang natuklasan niya sa isa niyang nabososan ay magpapagulo sa kanyang pag-iisip. Ang ikatlong kwento ay sa pamilyang nagbebe...