RUNDOWN

83.5K 1.9K 86
                                    

"I already told you a hundred times, Franco. The answer is no." giit niya sa makulit na lalaki.

"But Brooke. Just try to look at my plan and proposal."

Tumigil siya sa paglalakad at inis na hinarap si Franco. "No. Hindi ka ba nakakaintindi? No. N-O. Hindi. Not today, not tomorrow, never. Naiintindihan mo na ba ako?"

"But Brooke–"

"Franco!" naiinis na sigaw niya rito. "Hindi nga pwede! I never let my sorority join mixers or socials for those fraternities outside Vanderbilt. That's our policy."

"Bakit naman iyong Sigma Pink tsaka Delta Soc, naaya namin?"

Tumaas ang kilay niya at pinagkrus ang braso sa harap ng lalaki. "Sila iyon. Iba kami. Zeta Weiblich Community will never join mixers, socials or date parties outside Vanderbilt. Invite mo nalang kami kapag charity event iyang project ng Alpha Rho. Okay ba?"

Pumalatak si Franco at napakamot sa ulo. "Ang hirap mo naman kumbinsihin eh. Malilintikan ako nito kay Draco." tukoy nito sa kapatid nito na siyang presidente ng Alpha Rho. Franco is the social chair, just like her.

"Sorry. But the answer will still be the same. I'll go ahead, may pasok pa ako."

Pumasok na si Brooke sa kanyang kotse at pinaharurot iyon. Tinignan niya ang relo at napautal siya ng mura nang makitang sampung minuto nalang ay malelate na siya sa meeting ng IFSC.

Wala siyang choice kundi tawagan si Amelia - isa sa mga bagong miyembro ng ZWC. "Hello, Lia? Ikaw ang umattend sa IFSC. Don't forget to take notes and record the whole meeting. Thanks." sabay patay sa telepono.

She tapped her fingers on the steering wheel while waiting for the traffic lights to change into green. Napapalatak siya dahil sa iritasyon. Sa lahat ng ayaw niya ay ang ma-late at napupulilyado ang mga plano niya. Kung hindi lang sana siya bumili ng kape sa Starbuck ay hindi sana siya makikita ni Franco at hindi sana siya nito hinarang para lang pilitin siya na pumayag na magparticipate ang ZWC sa mixer na gagawin ng frat nito.

A mixer is a social party when organizations, usually a sorority and fraternity, get together and get to mingle, interact and know one another. There's a lot of dancing, games, socializing and of course, booze. Lots and lotse of booze.

She could've said yes if only Alpha Rho is part of Vanderbilt. Kung tutuusin ay isa sa mga sikat na fraternity ang Alpha Rho sa kalapit lang nilang unibersidad. Iyon nga lang may mga bad record ito dahil madalas involved ang naturang frat sa mga frat wars.

Pagkarating sa Vanderbilt ay kaagad siyang dumiretso muna sa HQ ng ZWC at doon na muna naglagi sa kanyang opisina roon. She checked some invites from other sororities and fraternities inside and outside Vanderbilt. Sinalansan niya ang mga rejected niya at ang ikokonsidera niya. Lahat ng mga under consideration, pag-uusapan pa nila ni Violet, iyon ay kung makikita niya ang babaeng iyon ngayon.

She stopped what she's doing when Lia called her.

"Tapos na iyong meeting." sabi nito.

"That was fast. Sige, punta ka HQ, nandito ako. Thanks!"

Maya-maya lang ay dumating na si Lia at binigay sakanya ang notes at ipinasa sakanya ang record nung meeting. She plugged her earphones and listened to the record file. She took out her pen and notepad and wrote all the important things she can decipher. After that, she compared her notes to Lia's to consolidate them.

"We're going out for lunch, want to come?" Kumatok si Rosas sa kanyang pinto at dumungaw roon.

"No thanks. I have a meeting with all the social chairs ng mga sororities."

ZWCS#4: Price of a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon