Three

41.6K 1.7K 239
                                    

Malalim na huminga si Brooke at pilit na pinakalma ang sarili sa harap ng social chair ng Zeta Kappa Sorority na si Micah. Nagkita sila nito sa canteen dahil may sasabihin daw ito sakanya pero sinasagad ata talaga nito ang pasensya niya. Masyado kasing nagmamarunong ito.

"I don't think it'll work. Sabi ko kasi sa'yo iyong kakilala ko nalang ang kunin natin sa sound system." sabi sakanya ni Micah.

She exhaled deeply and looked at Micah with her formal face. "We agreed last meeting that I will settle the sound system. Kung may alam ka naman pala edi sana nag-volunteer ka last meeting tapos ngayon kukulitin mo ko na i-cancel ang na-book ko na para lang kunin iyang kakilala mo?"

Hindi na niya napigilan ang sarili na tarayan ito. Mahaba ang pasensya niya pero sinagad na talaga ni Micah. Isa pa, hindi niya palalampasin ang tono nito na para bang sinasabi na ang tanga tanga niya.

"I didn't know that time that my friend will offer a much cheaper price." katwiran nito.

"Look, just mind your task. Sa programme ka naka-assign 'di ba? So, doon ka mag-focus. Huwag mo ko pakealaman. Kung price ang inaalala mo, huwag ka mag-alala, hindi naman ganoon kamahalan at nasa budget ang na-book ko na."

Pumalatak si Micah at malakas na huminga. Halatang pinapahalata sakanya na naiinis ito. Pwes, siya rin naman kaya patas lang sila.

Padabog na tumayo si Micah. "Bahala ka na nga diyan."

"Bye." bored na sabi niya rito habang nakatingin lang sa pagkain niya na naudlot niyang kainin dahil sa pesteng Micah na iyon.

She sighed and pushed her plate. Nawalan na siya ng gana. Nainis na rin siya. Sinapo niya ang ulo.

"Bawal magtira ng pagkain, hotshot."

She groaned inwardly because of that voice. Ito nanaman si Aquish at manggugulo nanaman sakanya.

"Badtrip ako, huwag ka magsimula."

Nag-angat siya ng tingin at nakita itong kinakain ang natira niyang lasagna. Nagtaas siya ng kilay dahil mukhang sarap na sarap ang loko.

"Sarap naman nito, bakit ayaw mo kainin?" tanong ni Aquish sakanya habang nginunguya ang garlic bread na kasama ng lasagna niya.

"Nawalan ako ng gana dahil badtrip nga ako."

"Kanino? Dun kay Micah? Bakit? Ganda pa naman nun." sabi nito at tuloy lang sa paglantak ng pagkain niya.

Humalukipkip siya at pinagtaasan ng kilay ito. "Kilala mo si Micah?"

Tumango ito. "Isa siya sa mga babaeng naghabol sa kagwapuhan ko."

She snorted and laughed at him. "Ang yabang mo rin."

Uminom si Aquish mula sa bote ng softdrinks niya tapos ay pinatong ang mga braso sa lamesa tsaka siya nginisian. "Totoo iyon. Satin lang 'to ha?" Aquish leaned closer and whispered. "Micah seduced me last year's Greek week."

Tumaas ang kilay niya. "Tapos? Nagpa-seduce ka naman? Ganon?"

Binigyan siya ng ngiti ni Aquish. "Siyempre! Tangina, sexy kaya niya. Pero mas sexy ka, hotshot. Your ass is better than hers."

She sarcastically smiled at him. "Bastos ka rin eh no."

He softly chuckled and brushed his jet black hair. Kung titignan lang si Aquish, hindi naman siya nagtataka kung marami talagang babae ang naghahabol dito dahil hindi niya ikakaila na gwapo talaga ito. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi, kumbaga bad boy image na alam niya na patok ngayon sa mga kababaihan.

Kung hindi lang talaga ito babaero ay baka hanggang ngayon ay may crush pa siya rito. Simple lang ito manamit. Laging nakashirt at jeans. May hikaw ito sa isang tenga at nakadagdag ito sa appeal nito.

"May sasabihin pala ako sa'yo, Brooke." nakangiting saad nito.

Umangat ang sulok ng labi niya dahil tinawag siya nito sa pangalan niya. Mukhang seryoso ang sasabihin nito dahil tinawag siya nito sa pangalan niya. "Ano?"

Huminga si Aquish at seryoso siyang tinignan. "Si Bonifacio ka ba?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito. Hindi niya maintindihan. "Ha? Ano?"

"Seryoso kasi ako. Sagutin mo ko. Si Bonifacio ka ba?" seryosong tanong nito muli.

Bakas sa mukha niya siguro ang labis na pagkalito pero sinagot pa rin niya ang tanong nito. "Hindi. Bakit mo naman natanong?"

"Kasi, I want to Andres you." poker-faced na sagot nito.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Ano naman iyong sagot nito. Pilit niyang iniintindi iyon. Si Aquish naman ay seryoso lang na nakamasid sakanya. Habang iniisip ang mga sinabi nito, unti-unti niyang na-gets ang sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya at malakas na pinalo si Aquish sa braso.

"Gets ko na! Ang bastos mo!" naiinis na sabi niya habang pinapalo si Aquish sa braso na sinasalag lamang nito at tawa ng tawa.

"Grabe! Ang slow mo. Nag-buffer utak mo, 'no?" natatawang sabi nito sakanya nang tigilan na niya ang pagpapalo rito.

Natawa siya dahil sa pagka-slow niya. "Eh kasi naman ang seryoso ng mukha mo kaya!"

Ngumiti si Aquish at tumayo na. Namulsa ito. "At least napatawa kita. Ayan, apat na utang mo sa'kin. Inalis ko iyang busangot sa mukha mo."

"Ano'ng utang ka diyan!"

"First is the kiss, second was when you acted like a drama queen inside the classroom, great acting by the way. Third was from yesterday when I saved you from your psycho suitor and fourth is today when I made you laugh and got rid of that frown on your face."

Ngumuso lang siya dahil sa mga sinabi nito. Nagulat siya nang bigla itong yumukod ng kaunti at nilapit ang mukha sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo?" gulantang na tanong niya rito.

"The next time you pout those lips, I won't hesitate to kiss you just like when you didn't hesitate to kiss me before." nakangiting sabi nito sakanya tapos ay umayos na ng tayo.

"I was under pressure that time and kissing someone is my last resort to get rid of Draco."

Nagtaas ng kilay si Aquish. "So, kahit ibang lalaki ang dumaan nung araw at oras na iyon ay hahalikan mo?"

"Oo."

Lumaki ang ngisi nito. "Buti nalang at ako ang dumaan nun. Nalasahan mo ang halik ng isang pogi."

Umirap siya kay Aquish. "Pwede ba, nakakasira na ng araw iyang mga pinagsasasabi mo."

Natawa lang si Aquish. Lumapit ito sakanya at ginulo ang buhok niya. "I'm just messing with you. You're so cute when you bitch out to me."

She removed his hand on her head. "Ano ba!"

Nang-asar pa ito at mas lalong ginulo ang buhok niya. "Ayan, ganda mo talaga hotshot. Papisil nga sa pwet!"

"Gago!"

Natawa lang ulit ito. "Joke lang." sabi nito at itinaas ang dalawang kamay. "Alis na ako. May klase pa ako."

"Teka, ano ba talaga ang ibabayad ko sa'yo sa mga sinasabi mong utang ko?"

Ngumisi lang ito at lumapit sakanya at yumuko. Inatras niya ang mukha dahil naramdaman na niyang ilalapit nanaman nito ang mukha sakanya.

Ngumiti ng pagkalawak si Aquish dahilan para sumingkit ng husto ang mga mata nito tapos ay bumulong sakanya. "Babaunin muna kita sa mga utang para wala ka ng kawala sa'kin, Brooklyn Tori."

••••

COMMENT! ⬇🔽⏬

••••

Gusto ko din magpabaon kay Aquish!!! 😭😭😭😭

ZWCS#4: Price of a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon