Kanina pa palakad-lakad si Brooke sa opisina niya sa HQ ng ZWC. Kinakagat-kagat niya ang kuko at hindi siya mapakali.
"Be, nakakahilo ka na ha! Pwede tigil ka muna?" untag sakanya ni Jinny. Narito ito sa loob ng opisina niya. Narito rin si Cassidy sa loob at tumatambay lang din.
Nabulabog ang Vanderbilt Drive nang magkaroon ng frat war. Hindi niya alam kung anu-anong mga fraternity ang involved. Kung frats ba ng Vanderbilt University o frats sa ibang university.
Tulad ng bilin sakanya ni Aquish, hindi siya lumabas ng kwarto nito hangga't hindi ito mismo ang sumusundo sakanya. Nagulat nalang siya nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Aquish at nakita si Gift, Trinity at Violet kasama sina Travis at Atticus.
"Let's go home." sabi ni Violet at inalalayan siya nito at ni Trinity na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
"S-Si Aquish. Hindi ako aalis dito. He promised me na babalikan niya ako." nanghihina niyang sabi.
"It's already three in the morning, Brooke! What made you think that Aquish will come back for you?" sabi ni Gift sakanya.
Umiling siya. "No. He promised. Alam ko na tutuparin niya ang pangako niya sa'kin."
"Let's go home for now, Brooke. You haven't eaten all day. Ang putla mo na." baling sakanya ni Trinity.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Tinignan niya sina Travis at Atticus. "Si Aquish? Nasaan siya?"
She waited for an answer but nothing came from them. Nag-iwas ang mga ito ng tingin sakanya. That's when she lost it. Hindi niya nakayanan at nahimatay siya.
She woke up and found herself inside her room in their sorority house. Hinanap niya sila Violet pero ang sabi nila Jinny ay umalis daw si Violet kasama ni Trinity habang si Gift naman daw ay nasa HQ kaya pumunta siya sa HQ para tanungin si Gift pero wala rin siya nakuhang sagot mula rito.
"Pumunta lang sina Travis at Atticus sa sorority house at sinabing sunduin ka namin. God, Brooke! What were you thinking? Sleeping with Aquish? You know his reputation. I'm sorry to say this but I don't think he'll see you again lalo pa't nakuha niya na ang gusto niya sa'yo. Ganoon naman ang mga lalaki. What's new?"
Hindi siya naniwala sa mga sinabi ni Gift. Hindi naman nito kilala si Aquish tulad ng pagkakakilala niya sa lalaki. Naniniwala siya na may dahilan si Aquish kung bakit hindi siya nito nagawang balikan. Nag-aalala siya na baka may nangyaring masama rito.
"Ang sabi Alpha Rho raw ang kalaban nila. Pero marumi maglaro ang Alpha Rho, may kasama itong allied fraternity. Iyon lang ang alam ko." pagkekwento ni Cassidy.
"Ilan ba ang nasa Alpha Mies Omega?" tanong ni Jinny.
Cassidy shrugged. "Sabi ng mga nakakita, si Aquish lang daw ang naroon. The other members were not seen. Nung nagkagulo na, nagsilabas daw iyong mga taga AMO na may mga maskara sa mukha pero mabilis din nagsiwala."
"What about Aquish?" tanong niya.
Cassidy looked at her. "Sorry, pero hindi na rin alam nung mga nakakita. Naghabulan na daw kasi ang mga frats."
She heaved out a sigh. Nanghihina siyang naupo. "Wala na bang ibang balita?"
Jinny walked towards her and patted her back. "Alam mo naman na hindi nakikielam ang sororities sa business ng mga fraternities. Isa pa, Alpha Mies Omega ang involved. You know how discreet their fights are. Natyempuhan na sinugod lang ang mga ito ng mga kalaban kaya medyo na-exposed sila."
BINABASA MO ANG
ZWCS#4: Price of a Kiss
General Fiction"How can I be friends with someone I want to kiss all the time?" ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#4: Price of a Kiss -Brooklyn Tori Jimenez