Napatalon si Brooke nang bigla nalang may sumundot sa magkabilang tagiliran niya. Mabuti nalang at hindi niya nasiko ang taong gumawa nun. Malakas pa naman ang kiliti niya.
"Jinny!" suway niya sa kaibigan na siyang kumiliti sakanya.
Humalukipkip ito sa harapan niya at pinagtaasan siya ng kilay. "Aquish Eli Ocampo? Bes, ang hot nun ah! Paano nangyari? Kwento ka bilis!"
Inalis niya ang kamay nito na nasa braso niya. "There's nothing to tell."
Naglakad siya patungo sa backstage para tignan kung okay na ba ang lahat para mamaya sa party na magaganap. Pero sa likas na makulit talaga si Jinny ay sinundan siya nito.
"Ano'ng nothing to tell? Nakita ko kayo mag-kiss! Hala siya! May landi ka rin pala sa katawan ha!" pang-aasar sakanya nito kasabay ng pagsundot-sundot ulit nito sa tagiliran niya.
"Stop it!" naiinis na wika niya rito at iniwasan ang pangingiliti nito sakanya.
"Ay, madamot ka na Brooke ha! Pero infairness, bagay kayo ni Papa Aquish. Sige na, magpaparaya na ako para sa kaligayahan ninyo kahit mesheket!"
Napailing nalang siya sa kabaliwan ni Jinny. "Pumunta ka na sa booth at mamaya lang ay mag-uumpisa na ang party." utos niya tsaka ito iniwanan.
Nagpunta muna siya sa banyo para ayusin ang sarili. Pakiramdam niya sobrang bruha na ng itsura niya dahil simula pa kaninang umaga siya nag-aasikasok ng event nila. Sinuklay niya ang buhok at itinali sa isang ponytail. Naka-collared shirts na puti sila. Sa likod ay may nakalagay na 'Organizer' at sa ibaba nun ay nakasulat ang sorority name nila. Nag-shorts at sneakers siya dahil tiyak na may basaang magaganap dahil naghanda sila ng mga water bombs.
Nagulat siya ng may lalaki sa labas ng CR. Nang makita siya nito ay kaagad itong tumango sakanya at naunang umalis. Nagtataka niya itong sinundan ng tingin. Kung hindi siya nagkakamali, si Jett ata ang nakita niya. Kilala niya ito dahil naging kaklase niya ang lalaki last year.
Bumaba na siya at tumambay muna sa booth nila para makipagkwentuhan kela Jinny. Makalipas ng isang oras ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga lumahok sa color fun run. Ang kaninang malilinis na mga mukha at katawan ng mga ito ay ngayo'y punong-puno ng iba't ibang kulay na.
Ang iba ay sumalampak na sa sahig dahil siguro sa pagod. Namataan nila ang iba pa nilang sorority mates na ganoon din ang itsura. Isa-isang inabutan ni Lia ang mga ito ng towels at tubig.
"Uuwi muna kami sa Sorority house para maligo." sabi ni Gift habang pinupunasan ang leeg na puno ng pawis.
"Omg, Shanna! You look so eew today ha!" pang-aasar ni Jinny.
Inirapan lang ito ni Shanna at hindi nagsalita. Marahil ay dahil sa sobrang pagod kaya hindi na nito pinatulan pa ang pang-aalaska ni Jinny.
Nagpaalam na ang mga ito at nagsabing babalik maya-maya. Siya rin ay nagpaalam na dahil marami pa siyang gagawin. Naglalakad siya sa patungo sa tent ng mga organizers nang harangan siya ni Aquish.
Tulad ng iba, punong-puno ng kulay ang mga braso at mukha nito. Pati buhok nito ay may kulay pa. Kita niya rin ang pawis nito sa mukha at leeg, maski ang mga braso nito ay namamawis din.
Walang sabing binigay niya rito ang bote ng tubig na hawak niya pa pala. "Inom ka." sabi niya rito.
Nginitian siya ni Aquish at kinuha ang bote ng tubig. "Thanks, hotshot." sabi nito at inisang tungga ang tubig.
"Sige, una na ako." sabi niya pero mabilis siyang nahawakan nito sa palapulsuhan. Tinignan niya ito at busy pa sa pag-inom ng tubig.
Huminga ito na parang nabunutan ng tinik. "Sarap." sabi nito pagkatapos ay tinapon ang bote sa basurahang malapit sakanila. "Tara."
BINABASA MO ANG
ZWCS#4: Price of a Kiss
General Fiction"How can I be friends with someone I want to kiss all the time?" ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#4: Price of a Kiss -Brooklyn Tori Jimenez