Maaga palang ay gising na si Brooke para sa event nila mamayang hapon. Sinamahan siya ni Cassidy sa mini gym kung saan naroon ang iba pang mga representatives ng iba pang mga sororities. Halos sabay lang sila ng iba na makapasok doon sa loob.
Sinalubong sila ni Anya, ang social chair ng Sigma Kappa at ang in-charge sa gaganaping color run mamayang hapon.
"Good morning Brooke. Hi Cassidy." bati nito sakanila.
Tinanguan lang ito ni Cassidy kaya siya na ang sumagot kay Anya. "Good morning. Mukhang busy tayo." komento niya nang makita ang mga boxes sa may mga bleachers.
Nilingon iyon ni Anya. "Oo, salamat sa pagpunta. We really need a lot of hands today to finish packing the give-aways."
Inakbayan niya si Cassidy na humihikab pa sa tabi niya. "We're glad to help."
Halos hilahin pa niya si Cassidy na maupo sa sahig para makapagsimula na silang i-pack ang mga string bags na customized at sponsored lang sakanila. Nilagyan nila ang bawat string bag ng isang bote ng tubig, pamaypay na may tatak ng Vanderbilt sororities, at shades.
Marami-rami silang ipa-pack dahil ang sabi ni Wilma na kapwa rin nilang social chair, halos limang daang katao ang lalahok sa color fun run at posibleng may humabol pa.
Naging magana siya buong araw dahil sa balitang iyon ni Wilma. Being a social chair, she feels completed whenever she organizes an event and it'll be successful at the end of the day. Makalipas ng isang oras dumating si Lia kasama si Kata para palitan sila ni Cassidy na mag-pack.
"Kayo na bahala rito." bilin niya sa mga bagong recruit nilang mga miyembro.
"I have to go home. Nasa bahay si abuela." tukoy ni Cassidy sa lola nito. "I'll be back at after lunch." sabi nito.
Tumango siya at nagpaalam sa kaibigan. Habang papunta sa HQ ng ZWC, nakasalubong niya sina Jinny, Shanna at Gift na may mga dalang paper bags.
"Saan kayo galing?" tanong niya sa mga ito.
"Duh. Obviously, we went shopping!" maarteng sagot sakanya ni Shanna.
Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Natawa siya nang gaya-gayahin ito ni Jinny. Nagme-make face pa ang huli. Imbyerna kasi talaga ito sa kaartehan ni Shanna.
"I know what you're doing Jinny. It's so unlady-like." nandidiring saad ni Shanna at masamang tingin ang ipinukol kay Jinny.
Jinny just snorted. "Unlady-unlady like ka diyan. Nakita nga kitang kumakain ng kwek-kwek diyan sa kanto."
Nilingon ni Gift si Shanna at nagtaas ito ng kilay. "You're eating what?"
Shanna shook her head. "Don't mind Jinny. She's likes to piss me off."
"Hala siya. Eh kasi nakakaimbyerna naman iyang kaartehan mo 'no. Naku, Shannabels. Don't me ha!" sabi ni Jinny at inirapan pa si Shanna.
Binalingan siya ni Gift. "Violet and Trinity are setting up the booth at the quadrangle. We're going back to the sorority house to give these groceries to Rosas."
Tumango siya sa mga ito. "I'll go to the HQ to get some things then I'll go straight to the quadrangle."
Naghiwalay na sila ng mga daan. Pagkapasok sa HQ ay tinawagan lang niya ang kinuhanan niya ng sound system tsaka siya lumabas ulit upang pumunta sa quadrangle kung saan naroon din ang stage at nagseset-up ng lights and sounds.
"Hey guys." bati niya kela Violet and Trinity nang makita niya ang mga ito na nagde-design ng booth nila mamaya. Napagkasunduan nila na magtinda ng snack mamaya na si Rosas ang magluluto. Sina Jinny at Lia ang nakatokang magbantay.
BINABASA MO ANG
ZWCS#4: Price of a Kiss
Ficción General"How can I be friends with someone I want to kiss all the time?" ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#4: Price of a Kiss -Brooklyn Tori Jimenez