Two

42.5K 1.6K 175
                                    

Busy sa pagpapaskil ng mga poster na nalalapit na event na hosted ng lahat ng sororities ng Vanderbilt sa susunod na linggo si Brooke. Katulong niya si Jinny na Philantrophy and Finance chair ng Zeta Weiblich Community. Since this is also a fund raising event for Jinny's project.

"Ang init! Bakit naman kasi tanghali mo pa naisipang magdikit ng mga 'to!" reklamo sakanya ni Jinny habang inaabot sakanya ang pang-stapler ng posters sa wall.

"Ito lang kasi ang free time ko. Hindi ka naman obligado na tumulong." sabi niya rito.

"Ulol mo. Ang sarcastic kaya ng pagkakasabi mo kanina. Parang kinokonsensya mo ko!"

Natawa siya at nameywang sa harapan nito. "May konsensya ka pala. Nice."

Pinalo siya ni Jinny sa pwet niya. "Sama mo ha! Pasalamat ka at maganda iyang maumbok mo na pwet." sabi nito.

"Ang manyak mo talaga, Jinny!" saway niya rito nang pisilin nito ang pwet niya.

Ngumisi ito. "Bilisan nalang natin at init na init na ako!"

Pumalatak siya at kinuha ang mga posters na hawak nito. "Umalis ka na nga. Hindi ka naman nakakatulong."

"Ayoko, kokonsensyahin mo ko eh." sabi nito.

"Hindi nga. Lumayas ka nalang, mas makakatulong ka kung wala ka sa tabi ko ngayon." natatawa niyang pagtataboy dito.

Lumaki ang ngiti ni Jinny at sumaludo sakanya. "Ay, gusto ko iyan! Sige, bebeloves! Sibat na ako. Vavush!"

Napailing nalang siya habang pinagmamasdan na tumatakbo palayo si Jinny. Binalik niya ang atensyon sa mga posters na kinakabit sa kabuuan ng campus.

Hindi na siya nakapagdala ng payong kaya nag-cap nalang siya sa ulo. Hindi naman siya takot mangitim dahil sa puti niya ay namumula lang naman siya kapag nasisinagan ng araw.

She was walking past the Econimics Building when she saw Aquish heading to her way. He's with some guys that she thinks are his friends. As usual, may mga nakabuntot ritong mga babae.

She just shook her head and focused on her work. Natigil siya sa malaking freedom wall at doon ay idinikit ang mga posters. Busy siya sa pagkakabit nang marinig niya ang boses ni Aquish.

"Hey, hotshot!" bati nito sakanya.

Tinignan lang niya ito tapos ay ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"What's a hotshot like you doing under the hot sun?" mapang-asar na sabi nito sakanya.

"Go away." sabi nalang niya na naka-ani ng tawanan mula sa mga kasamang lalaki ni Aquish.

"Bad shot ka kay hotshot, Aquish!"

"Shut up, Atom." sabi ni Aquish sa kaibigan. "Mauna na kayo." sabi nito tapos ay iniwan na sila ng mga kaibigan nito.

"Hi, miss." bati ni Aquish sa isang babae na nakasunod dito.

"H-Hi!" kinikilig na sagot ng babae. She mentally shook her head. Bakit ba nagpapakagaga ang mga babae sa babaerong ito?

"Can I buy your umbrella?"

Napalingon siya sa nangyayari sa gilid niya. Napataas ang kilay niya nang maglabas ng wallet si Aquish at handa nang bilhin ang payong nung babae.

"Huwag na! Uhm, pwedeng kiss nalang?" matinis na boses na sagot ng babae.

She scoffed when he saw Aquish leaned in and kissed the girl's cheek who's now squeeling like a mad seal. Pabebeng ibinigay nung babae iyong payong nito kay Aquish. She snorted and picked up her posters and walked away from the scene.

ZWCS#4: Price of a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon