Three years later..
"Brooke!"
Nilingon niya si Jinny na siyang tumawag sakanya. Kumaway ito at sinalubong siya ng yakap. Jinny held her in arms length.
"Look at you! Mas lalo kang gumanda sa isang taon mo sa New York!"
Ngumiti siya at tumawa ng mahinhin. "Namiss din kita, Jinny." sabi niya rito.
Kinuha ni Jinny ang push cart na naglalaman ng mga maleta niya at ito na ang nagtulak nun.
"Kamusta pala ang Hope House?" tanong niya na ang tinutukoy ang joint foundation nila ni Jinny para sa mga kababaihan na naabuso.
"Maayos naman. Nakagraduate na ng college sila Fea at Bea." tukoy naman nito sa kambal na na-rescue nila sa isang bar. Ibinenta ang mga ito ng tiyahin sa isang matandang bakla at pinagsho-show sa bar tuwing gabi. Seventeen lang ang mga ito nun nung kunin nila ang mga ito.
"Mabuti naman." sabi niya.
Dumiretso sila ni Jinny sa Hope House at binisita ang mga tao roon. Nagpamigay din siya ng mga pasalubong niya sa mga ito.
Nag-stay siya sa New York ng isang taon dahil nakakuha siya ng trabaho doon bilang events organizer ng isang malaking kompanya. She couldn't miss the opportunity so she grabbed it even if it's hard to leave the people she loves.
"May paparty mamaya si Shanna at si Cholo. Punta tayo." sabi ni Jinny nang sila nalang dalawa ang naiwan sa dining room ng Hope House.
Natigil siya sa pagpunas ng plato. "Sige." sabi niya.
Hinayaan muna siya ni Jinny na umuwi sa kanyang dating condo unit at natulog muna sandali dahil sa sobrang pagod sa byahe.
Bandang alas-singko na ng hapon siya nagising. Naligo siya sa shower at naghanap ng susuotin mamaya. Pagkaharap niya sa salamin ay hinaplos niya ang pilat ng sugat sa kanyang leeg.
That scar reminds her the night that made her who she is today. The reason why she and Jinny established Hope House. Pagkatapos ng gabing iyon, ipinangako nila sa mga sarili nila na hindi na ulit sila magiging mahina na kahit pa na may mga madidilim na nakaraan, may pag-asa pa rin na makikita sa buhay ng isa. Na kahit nalugmok ka ng isa o dalawang beses, hindi ibig sabihin ay katapusan na ng lahat.
As they say, if you fall seven times then you just have to stand up eight times.
Pagkabihis ay nagpasundo siya kay Jinny at sabay silang nagpunta sa bahay nila Shanna. Binati siya ng anak nitong si Ram tapos ay nakipaglaro na kay Bree na anak naman nila Kata at Lance.
Nakita niya ang mga kaibigan na nagkukumpulan sa may sala ng bahay nila Shanna.
Tumili si Cassidy nang makita siya. "Ngayon pala uwi mo?!" sabi nito at dinambahan siya ng yakap.
Tinignan niya si Cassie. "Nag-tan ka!" puna niya rito.
"She just got back from Puerto Rico. Nikolas scored her there." natatawang sabi ni Gift.
She smiled seeing Gift laugh like that. Bibihira mo lang kasi talaga ito makita sa ganoong estado.
Umirap si Cassidy kay Gift pero nakangiti ito.
"Malandi ka!" natatawang sabi ni Jinny at kinurot ito sa tagiliran.
Naupo siya sa tabi ni Violet. "He's looking for you." sabi nito sakanya.
She sneered. "Manigas siya."
"Matigas na, hotshot. Pagkakita palang sa'yo at tumigas na kaagad."
BINABASA MO ANG
ZWCS#4: Price of a Kiss
Ficción General"How can I be friends with someone I want to kiss all the time?" ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#4: Price of a Kiss -Brooklyn Tori Jimenez