Eight

44.5K 1.7K 237
                                    

Tulad ng pinangako ni Aquish sakanya, saktong six pm ay nasa labas na ito ng sorority house. Tinawag pa siya ni Rosas para ipaalam na nasa labas na nga si Aquish at hinihintay siya.

Mabilis niyang pinasadahan ang sarili sa full body mirror na nasa kwarto niya at tsaka lumabas na. She settled in a black and white striped tee and paired it with her maong shorts, sneakers and her small black sling bag.

"What time are you going back?" tanong sakanya ni Rosas. Ito lang kasi ang nasa sorority house dahil umalis din si Mother Concepcion.

"I don't know. Don't worry kapag past curfew, sa condo ako uuwi."

"Condo mo o condo ni Aquish?" malokong tanong sakanya nito.

"Ikaw talaga, syempre condo ko." natatawa niyang sagot kay Rosas.

"Use protection okay?"

"Heh!"

Lumabas na siya dahil kanina pa nga raw nasa labas si Aquish. Ayaw naman niya paghintayin ng sobra ang mahal na hari.

Nakita niya ito na nakasandal sa kotse nito at nagkakalikot ng phone nito. Naglakad siya at tumigil sa harap nito. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at kita niya ang pagpasada nito sakanya ng tingin mula paa pataas ng kanyang ulo tapos ay bumaba at nanatili sa legs niya.

Sumipol ito. "Besides your ass, you have some sexy legs."

She just rolled her eyes. Aquish will not be Aquish if he's not acting like a pervert. "Eyes up, Ocampo."

His eyes went up alright but not high enough. It settled on her breasts. Inangat niya ang baba nito at pinatingin sakanya. "Sa mukha ko, hindi sa boobs ko."

Aquish chuckled and held her hand then pulled her to him. Dikit na dikit ang mga katawan nila. She was settled between his legs. Medyo nakaupo na kasi ito sa hood ng kotse nito. "Ganda mo po." sabi sakanya ni Aquish at inipit ang buhok niya sa likod ng tenga.

She pursed her lips to keep herself from squeeling. "Gutom na ako." sabi nalang niya.

Aquish held her waist and gave it a squeeze before standing up and opening the passenger door for her. "I know a good place. Hop in." sabi nito at iyon nga ang ginawa niya.

Dinala siya ni Aquish sa isang sizzlingan sa kabilang barangay. Decent naman iyon place. Mainit nga lang dahil open area at tanging mga wall fan lang ang mga naroon. Maraming tao dahil siguro gabi at oras na ng hapunan.

"Masarap dito. Suki kami nila Cholo dito. Unli rice, unli soup at unli gravy sila dito." sabi ni Aquish sakanya at nagtawag na ng waiter.

"Brad, isang double porkchop sa'kin." sabi nito tapos siya ang binalingan nito. "Brooke, sa'yo?"

She was looking at the menu that was just a laminated bond paper or something. "Liempo sa'kin." sabi nalang niya.

"Tsaka dalawang bote ng san mig at isang 1.5 na coke." dagdag ni Aquish.

"You called me Brooke." sabi niya nang makaalis ang waiter.

"Yeah. That's your name, right?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Don't play smart with me, Aquish. You know what I'm saying."

Aquish chuckled. "Ayaw ko naman na tawagin kang hotshot sa tapat ni kuya. Kita mo tingin niya sa legs mo kanina? Muntik ko na nga supalpalin eh, kung hindi ko lang paborito iyong porkchop nila dito eh."

Natawa siya kay Aquish. Akala niya noon ay seryoso at sosyalin ito pero lahat ng akala niya ay kabaligtaran nang makilala niya ng husto ang lalaki. Walang arte ito sa katawan, ito nga at sinong mag-aakala na kakain ito sa ganitong lugar? Presidente ng sikat na frat, anak mayaman, matalino at running for honors pa, tapos sa ganitong lugar dadalhin ang date para kumain?

ZWCS#4: Price of a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon