Narrator's Pov
10 years agoMay isang walong taong gulang na bata ang gumising sa isang magarbong silid.
Kung ang ibang bata ang kwarto ay puro laruan, ang sakanya naman ay puro libro na tungkol sa ibat ibang bagay sa mundo.
Ang kwarto ng bata ay parang isang library sa dami ng libro na dapat nyang pag aralan para matuwa sakanya ang kanyang mga magulang.
Ang kanyang walk in closet na dapat ay puno ng mga makukulay na damit bilang isang bata ay napalitan ng mga kulay itim na damit ganun din sa iba nya pang mga gamit. Lahat lahat itim.
Gigising ng maaga para hindi kumain at maglaro sa play ground kung hindi para mag training ng mga tamang pakikipag laban gamit ang physical na katawan at pag gamit ng mga baril, patalim, at bomba na kakailanganin pag aralan lahat ng isang walong taong gulang na anak ng isang Igites dahil balang araw sya ang papalit sa posisyon ng kanyang ina sa organisasyon.
Lumabas sa silid ang bata patungo sa dining table upang mag almusal. Habang pababa sa hagdan ay nakita niya na matalim na tingin ng kanyang ina at ang mapupungay naman na tingin sakanya ng kanyang ama.
Nginitian niya ang kanyang ama.
Lumapit siya sa kanyang mga magulang upang humalik at tsaka umupo na sa hapag kaininan.
"You're late my heir" sabi ng ina habang nakatingin sakanya ng masama at patuloy sa pagkain ng agahan.
Isa ito sa batas sa kanilang bahay ang tawagin ang isa't isa base sa rango ng mga ito.
"5 minutes lang naman po yun Igites" sabi ng bata sakanya ng ina.
"Are you talking back?!" sigaw ng ina
Nakita nya ang paghawak ng ama sa kamay ng kanyang ina para pigilan ito sa inaasal.
"Igites, stop." sabi ng kanyang ama sa asawa at ngumiti kanyang anak.
"Wife, kumain muna tayo."
Nakita nya ang pagbabago sa mata ng ina. Kung kanina ito ay walang emosyon, ngayon ay makikita mo ang kasiyahan at pagmamahal dito kahit na hindi ngumiti.Yan ang posisyon ng kanyang ama sa bahay. Ang ama lang nya ang nag bibigay kulay sa pamilya. Sa pamilya, ang ama nya lang ang walang rango. Ito din ang dahilan kung bakit sya nasa training dahil ang ina nya ay ipapasa sakanya ang posisyon dahil hindi maari na umibig ang isang rango sa isang normal na tao lamang. Kung mangyari man, kailangan nito bitawan ang posisyon at ipasa sa panganay na anak.
"Sorry my daughter, alam mo naman kung bakit ko ginagawa ito diba? Para dito palang sa bahay masanay ka na sa ganitong pamamalakad para pag dinala ka na sa council, kayang kaya mo ang sarili mo". sabi ng kanyang ina na nakapagpa ngiti sakanya. Alam na alam ng bata na mahal na mahal siya ng kanyang ina kahit ganito ito sakanya.
Pagkatapos nila kumain pumunta na agad sila sa training room nila sa bahay. Oo bilang isang anak ng Igites kailangan ng ganitong kwarto sa bahay nila.
Nagsimula sila sa paglalaban ng martial arts. Tapos na sila sa pag tuturo ng ina ng mga basic techniques and defenses kaya ngayon ay hinahasa nalang ng kanyang ina ang bilis at lakas ng kilos ng mga atake at depensa ng anak nya.
"No knifes and guns are allowed this time." sabi ng Igites.
Umatake ng pagsipa ang anak sa kaliwang binti ng ina ngunit agad nitong nakaiwas. Mabilis ang depensa na nagawa nito kahit na mabilis din ang atake ng kanyang anak. Magaling ang ina nya sa lahat kaya walang duda kung bakit ito ang leader ng dauntless.
Sumugod ang ina nito na akmang sisipain na nito ang sintido ng anak ng biglang nakaiwas ito at agad sinipa ang bewang ng kanyang ina na nakapag patumba dito padapa at tsaka inupuan ito sa hita at balian ng braso.
Agad namang nakabawi ang ina sa atake at biglang humarap at sinipa ang anak at sa hindi inaasahan bigla itong tinutukan ng baril ng kanyang anak.
Nakita nya ang pag ngiti ng kanyang ina. Hindi kasi napansin ng Igites na nawala sa likod niya ang nakatagong baril.
"You're planning to break your own rule igites. Kaya bago pa mangyari yun, uunahan na kita." todo ang ngisi ng anak sa ina pero nawala ang ngiti nito ng makita na nasa ina ang mga bala ng baril.
Nang titingnan na ng anak kung wala nga ba talagang bala ang baril ng may biglang nakaramdam ito ng hapdi sa braso nito. May dugo, may daplis.
"Katana.." sabi ng anak sabay tingin sa ina nya ng walang emosyon.
Nag bato pala ng katana ang ina na di malaman ng anak kung saan at kung paano ito nakuha ng ina ng di nya napapansin.
"That's the aim of this challenge. You can break the rules if needed but you should learn how to face the consequences." sabi ng ina.
Tinayo sya ng ina nya at pinaupo tsaka ginamot ang sugat nya sa braso.
YOU ARE READING
Dauntless (Fearless Queen)
Teen FictionThere is a group named dauntless. The people of Dauntless are daring and strive to overcome their fears. They do some bold deeds. They don't just use bold words, they take action. When necessary, the Dauntless are not afraid to break peace in order...