XI. Natural.

97 26 60
                                    

Kim Anniza's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

Nasan ako?

Napahawak ako sa ulo ko ng
nakaramdam na naman ako ng labis na pananakit ng ulo dahil pilit kong inalala ang mga nangyari.

Ang naalala ko lang ay ang pag buhat sakin ng misteryosong lalaking yun pati na din ang mga salitang sinabi nya bago ako tuluyang mawalan ng malay pero...hindi ko matandaan ang mga yun. Nagtataka lang ako kung bakit ang dating sakin ng mga ginawa nya ay parang nag aalala sya.

Ngunit bilang igites hindi ako pwedeng magtiwala agad. Maaring palabas lang nya ang lahat ng ginawa nya sakin para lituhin ako tungkol sa tunay nyang pagkatao. Ang mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat pinapalampas dahil sa ginawa nya, binigyan nya lang ako ng pagkakataon na patayin sya.

Pagkatapos ko pag aralan ang bawat sulok ng kwarto ay tinignan ko naman ang aking sarili. Kailangan ko din mahanap ang personal kong baril dahil maaring matukoy nya ang pangalan ko dahil sa initials ko na nakaukit doon at hindi maaring mangyari yun dahil madadamay ang inosenteng reputasyon ng pamilya namin. Hindi alam ng lahat ang koneksyon ng dauntless sa pamilya namin.

Napakuyom ang kamao ko ng mapagtanto na iba na ang suot kong damit ngayon.

Pulang Bistida?!

Hindi ko maiwasan na mag hysterical sa loob ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapag suot ng ibang kulay na damit maliban sa itim! Kaya mas lalo akong desidido na patayin talaga sya sa kabila ng hindi ko maintindihan na pag asikaso nya sakin.

Gusto kong mag wala at patayin ngayon mismo ang misteryosong lalaking yun dahil sa ginawa nya sakin!

Napakaliit na bagay para sa iba pero para sakin, hindi. Naging buhay ko na ang pag susuot ng itim kaya parang unti unti akong pinapatay habang suot suot ko ang pulang bistida na to.

Sinilip ko ang katawan ko sa loob ng bistida ng makitang ibang under wear na din ang suot ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang kulay itim ito.

Tumayo ako para maghalungkat ng mga impormasyon. Una kong binuksan ang drawer at halos mapatakip ang mata ng makita ang makukulay nyang mga damit.

Talaga nga naman oh!

Halos baliktarin ko na at itaob ang buong kwarto para makahanap ng impormasyon pero wala akong napala kaya naman pinag tuonan ko ng pansin ang paghahanap ko sa baril ko.

Bumalik ulit ako sa tabi ng kama para tingnan ang side table at ang loob ng drawer sa gilid ng kama.

Bakit wala?!

Nag unat ako ng ulo para mabawasan ang init ng ulo ko dahil pati ang baril ko ay hindi ko din makita.

Napahaplos ako sa batok sa sobrang inis bago umupo ulit sa kama at nag isip.

Napaka simple naman ng apartment na to para sa isang taong kasali sa organisasyon na kinabibilangan ng karamihan na may mga illegal activities.

Napailing nalang ako bago napalingon sa kama na inuupuan ko.

What's that?

Naningkit ang mata ko at napamura ng mahina dahil sa nakita ko.

I got raped?! By him? No.. No..

May nakita akong red stain sa bedsheet, sakto sa posisyon ko kanina sa kama.

Una, ininsulto mo ang pagkatao ko through this fvcking red dress. Pangalawa, nilapastangan mo ang pagkababae ko.

Dauntless (Fearless Queen)Where stories live. Discover now