XII.

66 7 4
                                    

Narrator's POV

Naging pahirap sa lahat ng estudyante ang sumunod na linggo. Buong linggo silang tinambakan lahat ng maraming gawain. Hindi manlang nila naramdaman na biyernes na pala dahil parang napakabilis nun para sa mga hinahabol nilang deadlines. Isang subject nalang ang hinihintay para matapos na ang klase.

"AYAW KO NA MAG ARAL! HUHU."

"Haggard na ang beauty ko, grabe sila sa atin! Tao tayo noh, hindi robot!"

"Ay weh??? Tao ka?"

"HAHAHAHAHAHAHA!?"

Tumigil sa pagrereklamo ang mga estudyante ng biglang pumasok ang pinaka gwapo at pinaka sikat na guro na room nila.

Tumago ito sa lahat tsaka maingat na umupo sa unahan, "Kamusta class? mukhang pagod na pagod na kayo ah. Nakakalungkot naman dahil wala ng kayong gana sa klase ko." nakatingiti nitong sabi sa lahat kaya naman todo pigil ng tili ang mga babaeng estudyante.

Napaka effortless ng pagiging gwapo ng guro. Napapakilig nya ang mga estudyante sa simpleng mga galaw nya.

"Nako sir ralfh! Malabong mangyari yan, makita palang namin ang mukha nyo full battery na agad kami!" kinikilig na sabi ni roxane.

"Kayo talaga, osige bibigyan ko nalang kayo ng assignment para maaga kayong makauwi at makapag pahinga."

"WAAAHH the best ka talaga sir ralfh!"

"Sya nga pala class..Next week may outdoor activity tayo to save our mother earth."

"AAKYAT TAYO NG BUNDOK SIR PARA MAG TANIM?"

"Pero sir nursing students kami. Bakit? Pwede naman mag volunteer nalang kami sa mga rural health unit po."

"Yes. Lahat ng department kasali para mas madami, mas mabilis."

Wala ng nagawa ang lahat. Walang gana silang tumango at kinopya ang kanilang assignment.

"Okay class, dismissed. Umuwi na kayo agad huh? Mag iingat kayo sa pag uwi."

Palabas na sana ng room si Kim, Chad, at Kleir ng humarang sa pinto sina Patrick, Calista, at Abby. Kumikinang ang mga mata nila kaya alam na alam ni kim na may mga plano ang mga itong gumala. Nakasanayan na kasi nila ang ganito.

"Nakakaistress ang naging buong isang linggo..Mag night out kaya tayo?!" masiglang sabi ni abby at napatakip naman sila ng tenga.

Batid nila ang natural na lakas ng boses ni abby pero hindi pa rin talaga sila nasasanay.

"Syet may lumabas din sa bibig mo na may kwenta bruha!" mataray na sabi ni patrick na inirapan lang nya tsaka bumulong bulong ng mapansin ang pag hawak ni calista sa braso ni patrick habang natatawa.

Tumingin si kleir kay chad at kumapit sa braso nito, "Sa Jaylo Restobar tayo para makilala nila si Mang Jose.." mahinhin na sabi kay chad bago tumingin sa ibang kasama.

Nanatiling walang kibo si kim habang nakikinig sa plano nila.

"May performance ako ngayon sa Jaylo, kleir.." nakangusong sabi ni chad.

"It's okay! You can join us naman pagkatapos mo kumanta right?"

"Oo nga noh hehe."

"Wow! You mean singer ka?! Ang galing! Sana lahat total package! Gwapo na may talent pa, di katulad ng isa dyan puro katarayan at kalandian ang alam hmp!" pagpaparinig ni abby na tinawanan lang ng lahat maliban kay kim na natural na walang pakealam, si patrick na napairap nalang, at si chad na malalim na nag iisip pa sa pagiging sarcastic ni abby.

Dauntless (Fearless Queen)Where stories live. Discover now