X. Is it real?

118 42 143
                                    

Mith Abby Vuenaben POV

Nasa sala ako ngayon nagpapalipas ng araw dahil wala naman kasing pasok ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa sala ako ngayon nagpapalipas ng araw dahil wala naman kasing pasok ngayon. Naka suot lang ako ng panjama at malaking tee shirt. Hindi din ako nag suklay dahil natural namang bagsak ang buhok ko na hanggang bewang kaya deretso pusod na agad ang ginagawa ko.

Wala akong tulog buong mag damag kaya ramdam ko ang bigat ng mata ko dahil hindi ako tinantanan ng mga nangyari kagabi sa welcome party hanggang sa makauwi ako kaya ayun, kulang ako sa tulog psh.

Kung itatanong nyo kung anong relasyon ko kay patrick azure yukiro, pwes ang sagot ay isang malaking WALA. We're just bestfriend since grade school, pinagtanggol kasi ako nyan sa mga lalaking bully noon sa playground kaya nga halos malaglag ang panga ko ng umamin sya sakin na bakla sya nung third year highschool kami.

Noon hindi ako agad naniwala pero noong naglantad na nga sya at may rumors about him dating a guy naniwala na din ako. Another, naging friends lang kami nila kim and kleir noong senior high.

Kumakain ako ng pop corn dito sa sala habang nanonood ng biglang may humila sa laylayan ng damit ko dahilan para mahulog ang pop corn na dapat ay isusubo ko.

"Bruha, do i smell like jebs?"

"OO! KAYA KUNG AKO SAYO UMALIS KA DYAN SA HITA KO!" sigaw ko sakanya ng umunan sya sa hita ko.

Oh yes guys, may kasama akong mapagpanggap dito sa sala.

"Ang kapal naman kasi ng mukha mo na pumunta dito sa bahay ng hindi pa naliligo!" sigaw ko sakanya.

Umirap lang ito sakin at tinakpan ang tenga nya.

Talagang binalewala mo ang pagpapaalis ko sayo sa hita ko ah?

"Nyenyenyenye!"

We're here in our house--I mean in my house.

Nakakabwisit lang kasi ang sarap ng tulog ko kanina tapos bigla nalang pupunta sa bahay para yayain ako mag movie marathon! Hindi nya pa ko tinantanan sa pag gising sakin kanina, halos gibain ba naman yung kama ko sa kwarto kakatalon. Mga minsan sasabihin ko sa guard ng village na wag papasukin tong animal na to!

Nang hindi nya na ko nakitang nagsasalita, inalis na nito ang takip sa tenga nya at ngumawa na naman.

"Really bruha? Oh my goodness gracious! It can't be huhuhu" reklamo nya habang inaamoy amoy pa ang sarili.

Kaya nga humanap ka ng tao na tanggap ka kahit hindi ka naligo.

"Tsaka alangan maligo pa ko, bakit? Sino ka ba? Sino ka para pag aksayahan ko ng tubig?!" dagdag pa nito.

"PATRICK AZU---"

"Di ka ba kumakain? Ang tigas tigas ng hita mo! Ano? Wala ka na bang makain ngayon? Naghihirap na teh?" reklamo nito tsaka hiwakan ang hita ko at mas pinagdikit pa para makaunan sya ng maayos.

Dauntless (Fearless Queen)Where stories live. Discover now