VII. Revealed

102 62 83
                                    

Chad Reyes POV

Nandito ako ngayon sa restaurant na pinag tatrabahuhan ko ngayon.

Nagsasalamin ako dito sa back stage para tingnan kung presentable ba ang suot kong plain v neck shirt and faded jeans, sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko tsaka ngumiti sa salamin.

"Chad ikaw na ang sasalang, galingan mo. Sa nakikita ko sayo, ikaw ang mag dadala ng mga costumer dito sa negosyo ko. Magiging mabenta ka" sabi ni Boss Jose nang makalapit sabay tinapik ang balikat ko at ngumiti.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni boss jose. Tekaa wala naman sa pinag usapan to ah! Ako? Ibebenta? Kanino? Hindi naman ako hayop para gawing pet!

"P-po? Isasalang?"

Tsaka anong isasalang? Lulutuin nila ako ganun? Hindi pa ko nakakapag paalam sa pamilya ko, ayaw ko pa mamatay!

"Isasalang? Oo, diba yun naman ang napag usapan natin? Isa nga din yun sa dahilan kaya pasado ka sa interview dahil magiging mabenta ang itsura mo at katawan mo"

Naku hindi ko alam na budol budol pala to! Hindi ko naman alam na laman ng tao pala ang hinahain nila sa mga costumer dito. Mukha ba kong eat-able and healthy? grabe napaka walang puso nila! Susumbong ko kayo kay pareng tunying!

Sinamaan ko sya ng tingin at agad kong inalis ang kamay nya bago naglakad palayo.

Ayaw ko syang sumbatan sa panloloko nya sakin kaya ako nalang ang aalis baka pagalitan pa ko ni mommy dahil sa pagsagot ko sa matanda.

"Iho saan ka pupunta? Mag sisimula na ang pag salang mo" puno nang pagtataka ang mukha ni boss jose.

"Wala po akong pakealam! Oo walang wala po akong pera ngayon pero hindi naman po ako bayarang lalaki na hahayaan nalang na pag pyestahan nila ang katawan ko at kainin na parang fried chicken at porkchop!"

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba! Hindi ko naman alam na ito pala ang aabutan ko dito! Pinagpapawisan ako ng malamig idagdag mo pa ang nakakakunot na noo ni boss jose sakin habang nakatingin.

Hay nako wag nya ng subukan tumanggi dahil huling huli na sya! Susumbong ko talaga sya kay pareng tunying at mareng jessica soho!

"Hahaha palabiro ka pala bata, magkakasundo tayo nyan. Sige na pumunta ka na sa stage at mag perform goodluck sayo!" sabi nya sakin habang nag pipigil ng tawa.

Halos mamula naman ako sa kahihiyan para sa sarili ko. Minsan talaga sa sobrang talino ko nagiging advance na ko mag isip.

Napailing nalang ako at nginitian nalang din si boss jose tsaka naglakad papunta sa stage.

Kinakabahan ako dahil first day ko palang bilang isang solo vocalist and guitarist dito sa Jaylo Restaurant.

Si boss jose kasi ginugulo pa yung isip ko kanina!

Tumutulo yung pawis sa noo ko habang naglalakad ako papunta sa stage para tumugtog.

Bakit ba ko kinakaban? Dapat maniwala ako sa sinabi sakin ni mommy na maganda ang boses ko! Tama tama!

Nakita ko na kakaunti lang ang mga tao na nandito ngayon sa restaurant.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kaunti lang ang makakarinig ng boses ko o malungkot dahil malamang kaunti din ang kinikita ng may ari nito.

Hinawakan ko ng mabuti ang gitara at umupo sa upuan na para sakin.

Nakuha ko agad ang atensyon ng mga kumakain at umiinom ng sinubukan ko mag strum ng nota sa gitara.

"Ehem.. Hi? Chad Reyes nga pala sana magustuhan nyo. " panimula ko sabay punas ng pawis ng panyo galing sa pantalon ko.

"Girl! Yan ba ang pumalit kay shaun? Ang gwapo nya! Alam mo yung parang anghel sa sobrang amo ng mukha? Shit girl that's him! I'm gonna dieeee"

Dauntless (Fearless Queen)Where stories live. Discover now