VI.2 Danger

123 64 72
                                    

Chad Reyes POV

*Cha eun woo as Chad Reyes
Handsome, Innocent,literal minded, charming, poor and wise. A country man with a hazel eyes.

Ps: Sorry for my late character description.
------

'what's with her reaction?'

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit naging ganun ang trato sakin ni Anniza kanina.

'May mali ba ko na nasabi? Masyado na ba ko makulit?'

"Siguro nga." napa nguso nalang ako sa naiisip ko.

"Anong 'siguro nga'?"

Napalingon ako kay kleir na nasa tabi ko na pala.

Napatingin naman ako sa braso nya na naka angkla na sakin.

"Yieee omyghad may chemistry sila gurls!"

"huhu ang sakit sa eyes and sa heart mukhang naunahan na tayo kay fafa chad waaahhh"

Napalingon ako sa mga kaklase namin na nakatingin samin at nagbubulungan pero agad naman sila tumigil ng lumingon na ako.

Wala namang masama diba? Yeah I think so but may special power ba to? Bigla nalang sumusulpot. Okay lang naman kung aaminin nya sakin, marunong naman ako mag tago ng secret hehe.

Nakita ko ang pagtataka sa itsura nya.
Akala nya siguro na babaliw na ko dahil nagsasalita ako mag isa kanina.

Hays sana naman hindi dahil kung oo, malamang hindi ito mag dadalawang isip na dalahin ako sa mental hospital huhu napaka concern pa naman nito.

Napanguso ako at napatungo sa naiisip ko.

"Hahaha nevermind, nasan nga pala si kim?" dagdag nya pa habang nakatingin sakin at pinipigilan na tumawa ng malakas.

Ano kayang nakakatawa dun?

Nababaliw na din ata tong si kim. Ayos na din siguro yun dahil pag nagkataon baka room mate pa kami sa mental, atleast may kakilala ako hehe.

Nandito kami ngayon sa harap ng classroom namin at nakadungaw sa baba ng palapag kung saan ang malawak na field of grass. Salamin kasi ang palibot ng bawat building dito kaya kitang kita namin dito ang mga naglalaro ng soccer sa baba at mga taong nagtatawanan habang naka upo sa bench.

Hindi pa naman kasi ganun ka busy ang mga estudyante dahil first week palang naman ng klase. Well, maliban siguro samin dahil heto kami may research agad psh.

Mula dito sa college of nursing makikita dito sa harap ko ang senior high school building at ganun din ang junior high school na nasa kanan and grade school na nasa kaliwa.
Kumpleto ang university may sarili pa nga itong mall at hospital.

Ngunit hindi ako makakapasok dito kung hindi ako naging scholar ng munisipyo sa probinsya namin sa Quezon kaya kahit na alam kong mapapalayo ako kay mommy, kinuha ko na ang chance na to na makapag aral dito sa manila. Kumuha nalang ako ng maliit na apartment at kumukuha ng pang gantos sa part time ko sa restaurant dahil ayaw ko naman umasa sa padala ni mommy sakin. Alam ko naman kasi na mahirap ang buhay sa probinsya lalo na kung walang ama sa pamilya na tutulong samin. May bukid naman kami pero hindi sasapat ang kita nito kung sa ganitong klase ako na paaralan papasok.

Oo, hindi ako mayaman at hindi ko kinakahiya yun ang mahalaga nakakaraos kami ni mommy at nang isa kong kapatid na kasama ni mommy sa probinsya.

Sya nga pala senior high na yun, pwede ko kayo ilakad hehe.

"Hindi ko alam eh, umalis nalang bigla". sagot ko sa tanong nya ng nakangiti.

"May cut na nga labi mo,ngiti ka pa din ng ngiti" natatawa na sabi na naman nya sakin.

Dauntless (Fearless Queen)Where stories live. Discover now