Someone's POV
"Tsk. Tsk. Tsk. You are making your and his life in danger".
Mula dito sa ikalimang palapag ng building sa harap ng gymnasium, kitang kita ko ang igites na nakikipag sayaw sa isang lalaki. Alam ko na hindi lang ito basta sayaw lang, nakikita ko kung paano nito pakitunguhan ang lalaki.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang Igites. Wala kasi syang pagkakakilanlan sa ibang grupo.
Tama nga sila, napaka ganda ng igites ng dauntless. Napaka natural at napaka inosente ng mukha.
Napailing ako sa kalokohan na pumapasok sa isip ko. Akala ko haka haka lang ang mga kwentuhan tungkol sakanya dahil halos lahat ng nakaharap nya na ligtas ay hindi ito mamukhaan ng malinaw. Nakakatawa lang dahil nakakalimutan ko na sa likod nga pala ng maamo nitong mukha ay demonyo na handang magwala sa anumang oras.
Tama nga sila, nakaka hipnotismo ito kaya kailangan ko mag handa dahil hindi lang lakas ng atake at depensa ang makakalaban ko kung hindi pati ang taglay nitong natural na alindog.
Madilim dito sa pwesto ko kaya imposible na may makapansin sakin dito. Ang liwanag ng buwan at ng mga poste ay taliwas sa pwesto kung saan ako naroroon kaya tiwala ako na hindi ako makikita dito.
Napangisi ako ng nakakaloko ng mapagtanto na mukhang may magagamit na ang grupo para pabagsakin ito. Napaka hirap nito pabagsakin kung sa pisikal ang pag uusapan. Pero kung sa emotional kaya? Babae pa din naman ito na malamang ay napaka hina ng loob.
Nawala ang atensyon ko sakanila ng biglang mag ring ang telepono ko.
"Yes boss?"
"...."
Hindi umimik ang nasa kabilang linya kaya sa malamang nag hihintay ito ng magandang balita ngunit ayaw lang nito mag tanong pa.
Tumikim muna ako at nagpalakas ng loob bago nag salita ulit.
"Ah boss mukhang may magagamit na tayo laban sa babaeng to."
Napakunot ang noo ko at napatayo sa kinauupuan ng makita na buong pwersa itong itinulak ang kapareha sa pagsasayaw at iwan sa ere.
Mali lang ba ko ng interpretasyon sa nakita ko kanina?
Base sa uri ng pagkakatulak nito. Isa itong atake na mukhang mahina pero malakas at masakit ang epekto. Ngunit kung ang normal na tao ang makakakita nito, hindi nito mapapansin ang technique na ginawa nito kaya ganun nalang ang labis na pagkagulat ko sa nasaksihan.
"Boss fake news, mukhang mahihirapan nga tayo sa isang to"
Siguro nga mali ako ngayon pero hindi kita tatantanan igites. Pag nakahanap na ko ng kahinaan mo, siguradong wala ka ng kawala pa.
"Walang kwenta! Ikaw ang papatayin ko pagkabalik mo dito! ... Pagsisisihan nya na isinilang pa sya!"
Narinig ko pa ang sari saring mura ni boss sakin bago nito tulyan na ibaba ang linya.
Ramdam ko ang galit ni boss sa dauntless dahil sa pag protekta nito sa pamilyang Lim-Collins na halos ay isumpa nya na.
Agad akong lumisan sa pwesto ko ng maingat. Ngunit hindi ata talaga sapat ang kakayahan ko laban sa isang ito na nasa harapan ko na ngayon at madilim na nakatingin sa mga mata ko. Nakakatakot ang presensya nito na parang ang kamatayan ay ang syang kaharap ko.
Naagaw ng pag ihip ng hangin ang atensyon ko na labis kong pinagsisisihan dahil nagpaapekto ako.
Dahil kasabay ng malakas na hangin ang naging galaw nito na sa isang iglap ay sakal sakal nya na ako patalikod at may natutok ng baril sa sintido ko.
YOU ARE READING
Dauntless (Fearless Queen)
Novela JuvenilThere is a group named dauntless. The people of Dauntless are daring and strive to overcome their fears. They do some bold deeds. They don't just use bold words, they take action. When necessary, the Dauntless are not afraid to break peace in order...