Ikaw ang paboritong sapatos ko,
na kahit sira-sira na
na kahit nakakainis na
ikaw pa rin ang sinusuot sa twina.
Ikaw ang paboritong sapatos ko,
na pwedeng magkasya sa iba
na pwedeng makuha ng iba
na pwedeng bumagay sa ibang paa.
Ikaw ang paboritong sapatos ko,
na ipinagdadamot sa iba
na ayaw kong manakaw ng iba
dahil simula't una, ika'y para sa'kin talaga.
Ikaw ang paboritong sapatos ko,
kasama sa pag-alis at pag-uwi ko
ikaw ang paboritong sapatos ko,
kalian ma'y 'di malalaos sa paningin ko.
Ikaw ang paboritong sapatos ko,
minsan ma'y ikaw ang dahilan
kaya ang paa'y napapaltusan
ngunit ba't ganon? Lalo pa kitang nagugustuhan.
Ikaw ang paboritong sapatos ko
minsa'y sinasawalang bahala
ngunit alam ni Bathala
pagkahumaling sayo'y lalong lumalala.