Hinahanap ko ang mga bituin
sa madilim na kalangitan
tulad ng ating nakasanayan
hahawakan ka at sabay tingin,
sabay tingin sa mga matang mala bituin.
Ngayong gabi,
hinahanap kong muli
hindi ang mga bituin,
kundi ang mga matang wala nang ningning.
Ngayong gabi,
bumubuhos ang ulan
nananalanging mga bituin ay masilayan
ngunit tuluyan na nga ata itong lumisan.
Ngayong gabi,
magpapayakap na lamang
sa madilim na kalangitan
dahil 'di ka na muling mahahagkan.
