Larong Letra

117 5 0
                                    

Umaga. Nag-iisip. Tulala.

Maraming tumatakbo sa isipan

Ilang emosyon na rin ang naramdaman

Ngunit sa pakiwari, ito ay kulang

Kaya nama'y nilaro ang mga letra

'Di ito 'yong larong ginawa mo sa kanya

Ito 'yong larong pwedeng magpangiti

Sa kanyang matamis na labi

O 'di kaya'y magpaiyak

Sa kanyang mga matang nakakastarstrack

Dahil habang binabasa nya 'to,

Pangalan mo ang nakatatak dito.

Teka, tanong ko lang,

Mas marami pa bang tao ang nilaro mo,

Kaysa sa mga letrang nilaro ko?

Poetry: The Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now