Chapter 2: Him

52 7 0
                                    



DENMARK UNIVERSITY>> 2
Chapter 2: Him

"Denmark University, I'm back! Here I come!" Lihim akong napangiti sa sarili nang nasa tapat na ako ng gate ng school. Pumasok na ako

Okay, I'll tell you something. 'Pag nasa bahay ako, ganito ugali ko. Pero kapag nasa school na, iba na attitude ko. Weird 'noh? I have other side kase. Ah basta! Katamad mag-explain. Malalaman nyo rin. Introduction again. Okay.

The Nerdies
Mga students na may malalaking glasses tapos may hawak-hawak na libro. Lagi silang tahimik at puro libro ang hawak. Kahit saan ka magpunta basta may libro sa kamay, They belong to nerdies. They are so BORING. 

The Geniuses
Simply genius. Meron silang rankings, group of students na kung saan 15 students lang ang kasali dun na nirarank ang level ng kanilang pagkagenius. Ang top #1 sa ranking na ito ang pinakagenius sa rankings ng GC's at ang top #15 naman ang pinakamababa or masasabi mong genius rin kaso mas mababa sa top #1.

The Beauties w/ Brain
Ang mga students na gwapo or maganda na may taglay na talino. May rankings din sila katulad ng mga genius pero 10 students lang ang pinili ng Administrator namin. Models sila sa paningin ng mga students.

The Rich Kids
Mga students na mayayaman at medyo mayabang pagdating sa pera. Ultimong cafeteria kayang-kaya bilhin. 

The Poor ones
Mga students na nakakapag-aral sila dahil sa scholarship. Buti nalang at fito sila nakapasa. Maganda kasi ang standards dito.

The Feelers
Mga students na feeling maganda or gwapo, feeling matalino, feeling heartthrob na hindi naman talaga. Bitches are included here. 

The TSKs
Ang mga students na Tambay Sa Kanto. Pero mga basagulero 'yan eh.

Tapos tinawagan ko na agad ang bestfriend kong si Ashy.

*calling ... calling..*

"Hello bestie, asan na ba kayo?" tanong ko dito. Hinahanap ko kasi sila kung saang sulok sila naghihintay. Laki ba naman nitong university na ito.

"Hello bestie, nandito kami sa soccer field kasama sina Kathy at Nikki." sabi nito. Soccer field, ang kung saan kami laging nakatambay tuwing magkikita-kita kaming mga magkakabarkada.

"Oh sige bestie, pupunta na ako dyan ha. Wait niyo nalang ako dyan. I'm on my way though." sabi ko kay Ashy at in-end ko na ang call. Naglakad na ako, nakita ko sila sa may bleachers. Agad akong pumunta roon.

I'm half-way na sa soccer field nang biglang may nabangga akong cool guy na naka-earphones. Nakatingin sya iTouch niya na nakikinig ata ng music. At pano ko nalaman? Dahil 3 sec before kami tumalsik eh nakita ko na sya. Nang dahil sa malakas na impact napaupo kami parehas.

Ang sakit!! TT^TT

"Ahmm... Okay ka Lang?" concerned na sabi ko sa nakabangga ko. Agad akong tumayo at tinulungan ko naman siyang makatayo. Pinagpag naman nya ung damit nya. 

"Ano ba naman, Miss. Malamang hindi. Sa lakas nga ng impact napaupo pa ako sa sahig eh. Tss! Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo. " sarkastikong sabi niya saken. Bah! Siya pa ang inis ha at ako pa talaga ang sinisi? Langya 'to.

"Whoa whoa whoa! Hold it right there, mister." sabi ko with matching pameywang sa waist. Hinarap niya naman ako.

"Aba! Tinatanong lang naman kita ah. At ikaw pa talaga ang nainis ha? Ikaw na nga ang nakabangga, ikaw pa ang inis. Ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo." sabi ko sa kanya. Kainis! Ayaw niyang tanggapin na siya yung mali. Hmph!! Siya naman yung may kasalanan eh. Lechugas.

Denmark University [ON-HOLD UPDATES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon