[A/N: Heyya chingus! Sana magustuhan niyo itong chapter na ito. Kahit tinatamad po si author eh nagpursigi parin siya mag-update para sa inyo. Nakakatouch ba? Hahaha. Okay lang sa mga manhid :) Anyways, I dedicate this to my dongsaeng, BubbleBlueAM. Sana mabasa mo ito :) Readers, Vote please:)]
Chapter 9: Forgive
Raven's POV
"TUUULLOOOONNNGGG!!!!"
Nagkatinginan naman kami ni Jessie at pumunta sa baba. Tiningnan namin kung anong nangyari at nasunog yung niluluto. Kinuha ko naman yung fire extinguisher at tinapat dun sa nasusunog.
Nagpasalamat naman sakin yung manang ni Jessie. Bumalik na ko sa kwarto at napansin kong wala siya sa likod ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nakita kong hindi pala siya sumama sakin at natulog sa kama ko. Tamad nga naman ng isang ito.
Kinumutan ko siya at pinabayaan sa room ko. Pinagmasdan ko muna siya habang tulog. Ang cute niya pala matulog. Hahaha--wait, saan galing yun? Haayyss.
Maya-maya, narinig ko na may sinasabi si Jessie.
"Hmm...Mommy..."
Nagsisleep talk pala siya. Siguro namiss niya mommy niya.
"Shhh..." sabi ko naman sa kanya. Hinaplos ko yung buhok sa may noo niya. Nakita ko namang kumunot yung noo niya.
"Ya..bang....mo...Argee.." Natuwa naman ako sa sinabi niya. Tinawag niya akong Argee. Yes!--
'Wait lang.. Ano naman kung tinawag ka niya by nickname? Eh alam na naman niya talaga na nickname mo yun.' sabi ng boses sa utak ko.
'Tumahimik ka nga.' sabi ko sa boses ng utak ko.
'Asus! Aminin mo na kasi..' sabi niya uli.
'Ano ba?! Shut up will 'ya?!' sabi ko sa utak ko.
'O..kay..' Tumahimik na yung boses sa utak ko. Ang kulit eh. Pero bakit nga ako natuwa sa simpleng bagay na sabi ni Jessie? Anong problema ko? Ba't ako nagkakaganito?
'Jessie...Anong ginagawa mo sakin?'
--------------------------------------
Jesselyn's POV
I woke up when I felt something na malamig sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang...
"ICE CREAM!!" na hawak-hawak ni Raven. Pero nagulat ako nung binigay niya sakin yun. Waaah!! This is so heavenly. Nagkecrave ako! Wait. What time is it?
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. And then I realize na wala ako sa room ko. Nagpanic naman ako. Kinapa-kapa ko naman yung katawan ko. Baka pinagsamantalahan ako nitong lalaking ito.
"Hoy! Ba't ako nasa kwarto mo? May ginawa ka sakin noh?" sabi ko sa kanya sabay hampas ng unan sa mukha niya. BULLSEYE!! Tumama sa mukha niya. Hahaha.
"Hoy! Wala akong ginawa sayo! Nung may narinig tayo sa baba ng sigaw at nasunog yung niluluto ng manang mo, tumakbo ako then gumamit ako ng fire extinguisher niyo. Pagkabalik ko dito, nakahilata ka na sa kama ko." bagot na sabi niya sakin. Huh! Wala palang ginawa ah. Oras na mahuli ko siya, pipilipitin ko yung leeg niya.
"Ahh..ehh..nahilo kasi ako." sabi ko sa kanya. Oo, nahilo ako. Ewan ko ba kung bakit. Basta nakaramdam ako ng hilo. Hindi naman ako nagsisleeping pills eh.
"Don't tell me.. buntis ka?" sabi niya sakin. Namula naman ako sa sinabi niya dahilan para maihampas ko siya ng unan. Kapal naman ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Denmark University [ON-HOLD UPDATES]
Novela JuvenilMeet Jesselyn Ramos.. 17 year-old college student sa Denmark University. Mabait, matalino, maganda. Minsan mataray. Ano kaya ang mangyayari sa kanya, sa kanyang buhay? At sa kanyang college life? Eh pano Kung nagkagusto siya kay Raven? Aaminin ba ni...