Chapter 6>> When they discovered one's actions
"Jessie..." sabi ni Raven saken. Lumapit ito. Papalapit siya sa direksyon ko. Nang makalapit na siya..
"B-Bakit? M-May kailangan k-ka... b-ba?" nauutal na tanong ko sa kanya. Lumalapit parin siya sakin.
"May sasabihin ako sayo.." sabi nito sa akin at hinila niya ako sa likod ng puno na 30 steps away ng bleachers namin...
Nang makarating na kami dun... Kinorner niya ako sa puno. Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa left side ng face ko at ung isa sa right side.
"Hindi ako makakapunta this saturday." sabi niya saken with a worried look. Medyo nalungkot ako. Teka.. ba't ba ako malulungkot?
"Bakit?" sabi ko sa kanya. Tumungo siya. Hindi parin siya nagsasalita. Hinihintay ko siyang sumagot. Maya-maya, narinig kong tumatawa siya.
"Pfft... TAHAHAHAHAHAHA!!! Nakakatawa yung mukha mo!! Whoo!! Sakit ng tiyan kooo!!!"
O.O...
1....
2....
3...
"PINAGLOLOLOKO MO BA AKO? PWEDE BA TUMIGIL KA NA SA MGA KALOKOHAN MO!!" that's it! sumabog na ako sa galit. Nakakainis na kasi siya.
Iniwan ko na siya sa puno at umakyat na ako sa room ko kahit may 25 minutes remaining time pa. Wala pa namang tao dun. May lunch akong dala at dun ako kumain. Nagmumukha akong glutton.
Then may napansin akong strange container na maraming pinagpatong-patong na small container sa bag ko. Tiningnan ko siya at may nakasuot na papel. "Hi Lovely! It's a new product from the company of my best friend. He gave it to you. It's your one and only favorite. Enjoy! Love, Daddy."
Binuksan ko naman at nakita ko ang isang multi-flavored ice cream. Wow! Sa first part ng container may strawberry tapos may chocolate, may coffee crumble, may cookies and cream at may ube. Ang cool naman nito at hindi pa siya natutunaw ha.
Kinain ko naman. May tumabi naman sakin at napatigil ako sa pagkain. *gulp* Lumingon ako at no doubt na si Raven 'to. Ngumiti naman ako ng sarcastic.
"Glutton ka ba? Baka tumaba ka niyan." sabi niya na may halong pang-aasar. Tiningnan ko lang siya with an emotionless look.
"Glutton your face! Sorry naman kung mahilig ako sa ice cream. Eh sa favorite ko 'to eh. Gusto mo?" sabi ko sa kanya sabay bigay nung container. Kumuha naman siya ng spoon at kumain din. Ang awkward naman dito.
"Jessie..." sabi niya saken at napalingon naman ako. Tiningnan ko siya at papalapit naman yung kamay niya sa mukha ko. Napapikit naman ako. Naramdaman kong pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Minulat ko na ang mga mata ko.
"May ice cream sa labi mo kaya pinunasan ko." sabi niya sakin. Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya kumain ulit ako ng ice cream habang nakayuko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sakin.
"S-Salamat." sabi ko sa kanya. Wala siyang sinabi. Naubos namin ang laman ng container. Dapat nga may itinira siya kahit isa. T ^ T
Nagsimula na ang klase at magkaklase kami ulit. Lagi niya akong inaasar sa klase.
"Glutton! Glutton! Si Jessie ay isang napakalakiiing.... GLUUUTTOON!! Bleh~ Glutton!! Glutton!! Bleh~" sabi niya saken ng mahina. Kainis 'to! Kung di lang strikto yung prof namin ngaun eh, napilipit ko na yung leeg niya.. Pasalamat siya. Natapos na rin ang klase.
BINABASA MO ANG
Denmark University [ON-HOLD UPDATES]
Teen FictionMeet Jesselyn Ramos.. 17 year-old college student sa Denmark University. Mabait, matalino, maganda. Minsan mataray. Ano kaya ang mangyayari sa kanya, sa kanyang buhay? At sa kanyang college life? Eh pano Kung nagkagusto siya kay Raven? Aaminin ba ni...