Chapter 3: Mr. Annoying and Ms. Elite Star

65 6 0
                                    

Denmark University>> Chapter 3: Mr. Annoying and Ms. Elite Star

Chapter 3: Mr. Annoying and Ms. Elite Star

 "Sure ." matipid kong sagot . Ah . Dito pala sya uupo . Sige na paupuin ko na sya sa tabi ko tutal wala naman na talagang vacant seat .

Boring naman dito . Kakatamad na . Gusto ko na matulog . Kahit first day palang eh ganito na ako . Haayyss . I want to encounter new people and make it my friends . Naistorbo naman ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may magsalita . 

"Kanina ka pa ba dito?" Ay anak ng tokwa! Obvious ba? Malamang kita nyang ako nga ung nagpaupo sa kanya dito tapos tatanungin ako kung kanina pa ako dito? Bulag ba sya? O may deperensya lang sya sa mata? Magpatingin nga sya sa opthalmologist! Lechugas! Masyado akong badtrip ngaun . Na-activate ang mataray mode ko . *Mataray Mode Activated*

"Tss . Obvious ba? Ako nga ung nagpaupo sau dito eh tapos tatanungin mo ako kung kanina pa ako dito . " sabi ko sa kanya with sarcastic tone . Kainis .

"Malay ko ba kung kakarating mo Lang din . Tss . " Aba! Sya na nga ung nagtatanong sya pa ung inis? Punyemas Oo . Sa bagay, tinarayan ko sya e . Eh kahit na!

"Hi . I'm Raven Carl Gomez nga pala . Nice to meet you, Jessie ." sabi nya sabay tawa ng mahina habang naka-smirk . Weird nung smile nya ah . Oh . Raven pala ang pa--WHAT!?!? Did he just call me Jessie? Napatingin ako sa kanya . Nakita ko na ang hitsura Nya . Siya ung lalaking nakabangga ko kanina . Bigla namang kumulo ang dugo ko sa inis . Di ko pinahalata na inis na inis ako dito . Nakatingin lang ako ng masama sa kanya . I had my imits too . 

"What did you call me? Jessie? As if naman na gusto ko malaman ang pangalan mo na hindi ko naman tinatanong . At for your information, ang family and friends ko lang ang tumatawag sakin ng ganyan . Close tayo? Hindi . Kaya don't call me Jessie because we don't know each other and I . don't . know . you .!!! " sabi ko sa kanya na iritang-irita with taray mode . Ooops! Napalakas ang pagkakasabi ko sa kanya dahil hindi nga lang pala kami ang tao dito at ang daming nakatingin samin . Bigla naman akong natamaan ng kahihiyan . Eto kasing lalaking 'to eh . Nakakabwisit .

"Yan ang gusto ko, matapang . " sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko . Ano daw? Gusto nya matapang? Aba eh may gana pang mangasar 'to samantalang iritang-irita na ako sa kanya . Kainis! Sarap sapakin ng lalaking 'to eh . Before ako magsalita dumating na rin ang prof . After 400 years dumating na rin sya . Pasalamat 'tong lalaking 'to kundi-- naku!! Mababatukan ko 'to ng di oras . 

Raven's POV

Naglalakad ako sa Campus na ito . Ang ganda-ganda parin talaga ng university na to . Walang sinabi ang ibang university . May narinig akong usapan sa may likod ko pero medyo malayo .

"Kyaaaahh! ~ Si Raven!" sabay-sabay na sabi ng isang batalyon--este grupo ng mga babae . Mga 75+ ata sila . Haayy . Hirap pala maging gwapo . Tsk . Hinayaan ko nalang sila at naglakad na ako.

Nakikinig ako ng music sa iTouch ko na may nakasaksak na earphones sa tenga ko . Maya-maya may nabangga akong girl . Sa lakas ng impact napaupo kami . Aray! Sakit ng pwet ko .

"Ahmm... Okay ka Lang? " Concern na sabi nito saken . Ang ganda ng boses nya . Nakakainlove naman--wait what? Argh! Get a grip! . Tinulungan Nya akong tumayo . Nang tumingin ako sa kanya natulala ako . Ang ganda nya . Sobra . She's gorgeous like a goddess-- No no no! What am I thinking? . Hindi kaya kasama to sa ES? Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko . Gusto ko sana magsorry kaso iba ang lumabas sa bibig ko .

Denmark University [ON-HOLD UPDATES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon