Denmark University>> 7
Chapter 7: When they discovered one's actions 2
"Hi Jessie! What 'ya doin'?" hindi ko na pinapansin yung bumati sakin. What to do, what to do..
"Jessie! Naririnig mo ba ako?" Ano kaya ang pwedeng gawin mamaya... Hmm..
"Huy! Are you deaf?" Tatanggapin ko ba yung offer ni prof noon? Hmm... Wag na lang kaya...
"Ayaw mo mamansin ha?" Gagawa nalang ako ng sayaw mamaya... That's a great idea!...
"GOOD MORNING, GLUTTON!" sabi ni Raven na kakarating lang kanina pa.. Talagang tinpata pa niya yung bunganga niya sakin ha. Ugh! Here we go again. (-.-)"
"OUCH! Hoy, megaphone! Glutton ka diyan? SAPAK YOU WANT?" umagang-umaga pinapainit niya ang ulo ko. Tumawa naman siya. Ansarap niya talagang tadyakan. Pakshet!
"Hahahaha! Joke lang naman di mabiro. Hahaha." Joke ba yun? Eh halos mabasag na nga yung eardrums ko eh. Psh. Tawa pa siya ng tawa. Sige lang, matigok ka sana.
"Oy! Ano yan at may tawagan pa kayo sa isa't isa?" sabi ni Kathy sakin. Ayan na naman po ang mga magagaling kong kaibigan.
"I think it's their endearment term to each other." sabi ni Mich. Really? Endearment? Term?
"Gosh! Ibig sabihin, kayo na?" sabi naman ni Ashy. Really, Ashy? Nakiusyoso naman yung iba.
"Oh my gee! What a cute couple!" sabi naman ni Ariana at Tricia.
"Congrats, insan!" sabi naman ni Daniel.
"Anong congrats? I-congrats mo mukha mo mamaya dahil bugbog sarado ka sakin." sabi ko sa kanya. Tumawa naman silang lahat sa sinabi ko. Sabi naman nila baradong-barado daw si Daniel sakin. Hahaha.
"Hoy! Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Free time namin ngaun. The WHOLE day free time namin. Kasi pupunta kami sa different club rooms para magdecide at magaudition sa mga clubs/organizations na sasalihan namin.
Ngayon din ang audition ng dance club namin kaya naman nangaakit kami ng mga students para madagdagan yung mmebers namin. And the worst lagi kaming magkasama ni Raven. Fudgee bar naman oh!
"Dumating?" sabi niya sakin. Painosente face pa siya. Ang plastic niya talaga. Sobra.
"Ay hinde! Umuwi. Malamang dumating." sabi ko. Nakalimutan na naman niya ata. Nagsimula na kami magpost ng mga announcement papers. Nagbigay din kami ng mga announcement papers at forms sa mga dumadaan na students. Mamaya pa naman yung audition namin. Before lunch.
Nagkwentuhan lang kami. Nagtawanan. Nagbiruan. Nagasaran. Kwento ng moments. Kwento yung life nung bata ka pa. After three hours and thirty minutes, kami nila Kathy, Ashy, Jemai at Ian ay pumunta na sa dance club room dahil kami ang judges.
Sina Nikki, Alvin, Daniel, Ariana at Tricia ay sumama sa amin. Si Mich naman nasa singing club. Si Raven ewan ko. Ume-ebak(tumatae) ata sa CR. Nang makapunta na kami doon, may mga tao na sa labas ng room namin. Mga bintana ay tinakpan ng kumot para di makita yung sumasayaw.
Pinapasok ko na sila Nikki sa room at yung mga auditioners ay nasa labas. Nagbigay naman ako ng listahan para isulat ng mga auditioners ang kanilang name. Ihinuli ko na sila Nikki. Nasa special seat sila sa tapat ng private room sa loob. Nagsimula na ang audition at eksakto namang dumating si Raven. Lumabas kami ni Raven saglit.
BINABASA MO ANG
Denmark University [ON-HOLD UPDATES]
Teen FictionMeet Jesselyn Ramos.. 17 year-old college student sa Denmark University. Mabait, matalino, maganda. Minsan mataray. Ano kaya ang mangyayari sa kanya, sa kanyang buhay? At sa kanyang college life? Eh pano Kung nagkagusto siya kay Raven? Aaminin ba ni...