Chapter 1: Meet Jess Ramos

117 11 7
                                    

 

DENMARK UNIVERSITY>> Chapter 1
Chapter 1: Meet her

"RRIIINNNNGGGGG!!" 'Hmm..? Ingay naman niyan! Makatulog nga ulit..’ sabi ko sa isipan ko.

(_ _)… Zzzz..

"RRIIINNNNGGGGG!!!"

(_ _)… Zzz…

"RRIINNNGGGGGGGGG!!"

…(_ _)++ “Zzzz—“

*PAK!*

"HOOY!! ANONG ORAS NA!!!.." Naramdaman kong tila may sumusuntok sa mukha kong malaking kamao. Ano ba 'yun? Hindi naman ako nakikipagboxing ah? Pero ang sakit ng suntok na yun eh.

"Aba't ang kulit ng--"

"Gumising ka na! Gumising ka na!! GUMISING ka na!! GUMISING KA--"

Nagising ako sa inis nang nagsalita ang aking customized alarm clock na may nakakarinding boses na parang nakamegahone sa lakas. Oo! Alarm clock ko yun, ‘di yun tao! Tsk! Bakit kasi ito pa ang pinili kong ringtone?

(- . -) Six o’clock AM na pala. Bumangon na ako, naligo, nagbihis at bumaba na para kumain.

"Good morning, Daddy!" masayang pagbati ko kay Dad habang siya ay nakaupo sa mesa at nagbabasa ng dyaryo na may iniinom na isang tasa ng kape. \(^_^)/

"Good morning too, Risten. Oh, kumain ka na at baka magutom ka pagpasok mo." sabi sakin ni Dad. Umupo na ako sa mesa. Kumuha ako ng isang sunny side-up egg, hotdog at dalawang french toast.

Introduction, the name is Jesselyn Kristen Ramos. You can call me "Jessie" but my classmates and best friends call me "Jess". Tawag sakin ni Dad "Risten" at minsan "Risty" din. Isa akong Dance Troupe member dito sa DenmU. Sumasayaw ako ng hiphop dance kasi I like hiphop.

2nd year college na ko dito sa Denmark at may ilang taon pa para makasama at makabonding ko ang aking mga classmates lalo na ang aking mga friends. Take the opportunity is my motto.

Talent ko ang pag-sayaw ever since I was 6 years old. Mahilig din ako sa music at tumugtog ng Guitar at Piano. Oh diba, marami kong asset? Haha. Real talk tayo. Paano namin naabot ang ganitong antas sa buhay kung kami lang dalawa ni Daddy at Rhea? Ganito kasi ung nangyare.

Namuhay kami ng normal na si Daddy lang ang nagtatrabaho para samin at si Mommy ay housewife. Natanggal sa work si Daddy nung 5 years old palang ako kaya naghirap kami. Nagsikap si Dad para maitaguyod kaming mag-iina. Siyempre with the help of Manang Ara, silang dalawa na ni Mommy nagtatrabaho. Kahit busy sila sa work, hindi sila nawalan ng time para sa akin at sa kapatid ko. Nagmanage sina Dad ng isang Music company na sikat na sikat sa buong mundo. Nang dahil sa kanila, na-mana ko ang pagkahilig sa music. Ngayon si Mommy ay nasa ibang bansa kasama ng kapatid ko.

Pumunta si Manang Ara sa amin para bigyan kami ng tubig. "Good morning, Manang Ara." ngiting pagbati ko kay Manang Ara. "Good morning din po, Ma'am Jess." masayang sabi sa akin ni Manang.

Parang si Manang na ang aking second mother. 66 years old na siya. Mabait, maalaga, at minsan parang kami lang ni Daddy. Siya ang tagapamahala ng malaking bahay na ito at kung tawagin mayor doma. Matagal na siyang nagtatrabaho samin simula nung ipinanganak palang ako hanggang ngayon. Loyal eh.

"Oh, sumabay na po kayong kumain ng breakfast samin ni Dad." pagyaya ko kay Manang Ara. Tinap-tap ko ang upuan na katabi ko kung saan uupo si Manang.

"Oo nga, 'Nang. Sabay ka na samin." pagyayaya rin ni Dad kay Manang Ara. Umiling naman siya.

"Naku, wag na po Ma'am Jessie, Sir Mark. Kakakain ko lang po ng almusal kanina. Salamat nalang po." sabi niya. My father's name is Mark Adrian Ramos at si mommy naman Jennifer Kylie Martinez. Ang unique ng ipinangalan ng mga lolo't lola ko sa mga magulang ko 'no?

Kaya nung ipinanganak ako nina mommy at daddy, nag-isip sila ng ipapangalan sa akin. Kelangan daw unique din. Kaya naging unique din ung pangalan ko. That's our family's tradition when it comes to naming a baby. Daming arte lang noh? AZAR!

Umalis na siya at bumalik sa kusina. Ever since nung nawala si mommy, si Manang Ara ang nag-aalaga sakin at napamahal na siya samin. Siya ung nagbabantay samin nung bata pa kami. Kaya labs na labs ko si Manang eh. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Daddy.

"Dad, alis na po ako pupunta na po ako sa school. Bye, Dad!" pagpapaalam ko kay Daddy. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Daddy.

"Risty, wait! Anong oras ka uuwi?" tanong ni Daddy. Oh diba, sabi ko sa inyo eh. Risty din tawag sakin eh. Pagasensyahan niyo na si Dad. Sadyang magulo talaga siya. Hahaha.

"I'll call you nalang sa office mo Dad. Ok? Bye!" sagot ko kay Daddy. "Okay, Risten. Ingat ka!" sabi sakin ni Dad.

Naglakad na ako. Actually, nagtricycle nga ako eh. Ilang minuto din akong nakasakay nang marating ko na ang school. Bumaba na ako at nagbayad ng nineteen pesos sa driver. Ilang sandali pa ay huminto ako at huminga ng malalim habang nakatayo sa gate at palihim na napangiti.

Masaya ako ngayon at sobrang excited pumasok. Simula na kasi ng first sem ko ng 2nd year college. Back to the old times again. Pero sana naman maging mas masaya ngaun kaysa last year. Si God na bahala. Denmark University, I'm back! Here I come!

 ~~* ~~* ~~* ~~* ~~* ~~* ~~* ~~*

Author's Note:

Hellooo!!! So this is the end of chapter 1. Sorry guys kung papalit-palit ako ng mga details sa aking first story na Denmark University. Kasi gusto ko pa gawing interesting 'to para sa inyo at pati narin sa mga readers. Anyways, hintay nalang kayo sa next chapter update ng Denmark University. Okay? Feel free to vote and comment! Thanks for reading! :)) Love 'yah all :) HartHart <333

Denmark University
By: MetalAngels 

DENMARK UNIVERSITY>> 2: Welcome to Denmark University

Denmark University [ON-HOLD UPDATES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon