Tantananan! Chapter Four na! This chapter is entitled "Our First Meeting" Comment po kayo pagkatapos nyo basahin ha? Tenkchu! =)
Dedicated to her 'cause she was my first friend here in wattpad! sana magustuhan mo! =)
Sana magustuhan nyo! =]
REMINDER: Fantasy lang po lahat ng mga 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa nyo! XP
Love, love, love!
@KathNiel143
-------------------------------------------------------------------------
=Daniel's PoV=
Nandito naman kami ngayon ni Olivier sa Archery Section, may session pang nagaganap, timing! Makikita ko silang pumana ng malapitan! Heto na naman si Olivier, (nasanay na akong Olivier), nagsasalita na parang tour guide.
"Teka, teka nga. Kanina pa ako daldal ng daldal dito eh. Eh, alam mo naman kung pano pumana. Archery kaya ang kinuha mo." ah ganon? So ano yun? Course? Ano 'to? College?
"Eh, diba nga nagka-amnesia ako?" ako.
"Oo nga, pero 'di naman ibig sabihin nun na hindi mo na kabisado ang skills na ginagamit sa archery noh. Subukan mo lang kaya? Baka may natitira pa dyang mga instincts sa loob ng kokote mo." psh. Sige, kaw bahala. Kaw may sabi eh. Lumapit ako sa table kung san nakalagay ang mga pana, huy, hindi pana-pana lang 'to ah. Kundi, yung talagang ginagamit sa archery. Yung mabigat.
"Ikaw may sabi nyan, Olivier ha? 'Pag ako, pumalya dito. Ikaw mananagot." pumwesto na ako sa harap ng target.
"Oo, ako bahala sayo. Sagot kita!" heh! Yabang mo! Baka naman mamaya nyan, 'pag nagkaanumalya dito, diretso sibat ka agad. Hmp!
Inangat ko yung pana, at nag-concentrate sa target. Hindi ako maka-focus, ang ingay naman kasi eh!
"Sige, kaya mo 'yan, Jack!" sabi ni Olivier na may kasamang clap-clap. "Sige! Hooo! Go!"
"Huy! Ano ka ba? Sa halip na nang-eencourage ka, nang-didistract ka! Sayo ko kaya itama 'tong arrow?" tapos hinawakan ko na para bang dart ang bala at tinutok sa kanya. "Oh? Ano? Gusto mo?"
"Hindi, hindi! Joke lang! Sige, ipagpatuloy mo na." bigla syang nag-smile ng nakakaloko. Panain ko 'tong kumag na 'to eh.
Binalik ko ang atensyon ko sa target, nag-focus ako.
*dangdangdangdangdangdang*
Tsss! Huy! Itigil mo yang sound effects mo! Nakakanerbyos! Kita mo ng pinagpapawisan ako oh!
*Sorry na! Kaw naman! Sige, pagpatuloy mo na 'yan.*
Hinigpitan ko ang kapit ko sa pana tapos nag-focus ng wagas.
Go for it, go for it. Then booom!
YES! Natamaan ko ang target! Wooohoooo! Dami ko naman palang alam! Tumalon-talon ako na parang galing sa mental. "Yes! Galing ko talaga! Hooo!--- Aray! Hoy, ikaw ha! Nakakadalawa ka na! Wala pang dalawang oras simula nung una mo! 'Pag ako nagkaroon ng pagkakataon, hindi lang kita babatukan! Itatali kita at ibibitin sa puno ng baliktad! Sige ka!" galit kong sinabi sa mukha ni Olivier, eh panu ba naman, binatukan ako ng pagkalakas-lakas!
"At saan ka naman galing ng ideyang 'yan?" tapos tumawa sya ng medyo konti. Psh, sayo! Bakit?! "Eh, panu ba naman kasi, para kang uggoy na nakawala sa hawla mo!" dagdag pa nya. Tsss. May araw ka rin, hindi siguro ngayon, pero may araw ka rin! Hintayin mo lang. >= /