=Daniel's PoV=
Asan ako? Hala? Andito ako sa tabi ng ilog na niliguan namin ni Mei kanina.
"Mai-Mai!" huh? Ako yun ah?
Lumingon ako sa likod kung san nanggaling ang boses ko. Ako nga! Ako 'yan! May hinahabol ako, kaso nga lang hindi ko maaninag ang mukha ng hinahabol ko dahil sa sikat ng araw.
"Mai-Mai, ikaw ha! Halika nga rito! Haha! Huli ka rin! Ang hirap mo habulin ha!" naabutan ko yung hinahabol ko, tapos binuhat ko sya ng bridal style.
TEKA NGA?!
Asan ba ako? Ba't ako andito?! Panaginip? Vision? Dream? Vision. -__- Inulit ko lang eh. Haaay naku!
Hindi ko na pinansin ang paligid, tinutukan ko lang ay yung si ako at yung
si
si
Mei! Waaah! Si Mei yun ah? Hala ka? Ba't sya andito sa eksena ng buhay ko? Ba't Mai-Mai ang tawag ko sa kanya? Ganito na ba ako kainlab sa babaeng yun? Naks! Pero seryoso, anong ginagawa nya dito sa panaginip ko, tsaka ba't ako nananaginip ng ganito?
"Ibaba mo nga ako, Jack! Para akong bata sa ginagawa mo." sabi ni Mei ng tumatawa. Nagtatawanan kaming dalawa.
"Opo na po." sabi nung si ako tapos binaba ko si Mei sa tubig, teka!
Nagkikilitian sila, I mean, kami. Teka nga?! Ito yung scene kanina sa ilog nung naligo kami ah? Ba't ganito 'to?
Eh hindi naman Mai-Mai ang tinawag ko kay Mei dun, diba? Ano ba talaga? Gisingin nyo nga ako!
Uy! Uy! Ayun! Nakikita ko ang eksena, yun nga yun! Nagkikilitian kami tapos biglang napatigil sila, kami, aish basta! Tapos nagyakapan sila, kami.
(0.0)
Yun nga! Kaso nga lang ang kasunod ay
"Sasagutin mo na ba ako?" tanong ng ako kay Mei."Opo." sabi ni Mei sa ako tapos kumalas sya sa yakap.